Friday, October 14, 2011

Ang Kabutihan ni Blessed Teresa of Calcutta


Ourlad Alzeus G. Tantengco
BS Biology 201059051
MPs 10 1:00 – 2:30 PM        

“Love Until It Hurts”

            Bakit ba ako nabubuhay? Sabi sa kanta sa simbahan, walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Ayon din sa kanta tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa. Hindi ko lubos na naiintindihan kung ano ang ibig ipakahulugan ng mga kanta. Nasa elementarya pa ako nang una kong marinig ang kantang ito. Basta kinakanta ko lang siya tuwing may misa.
            Naging mapalad ako sapagkat nagkaroon ako ng pagkakataon na masulyapan ang naging buhay ni Blessed Teresa of Calcutta sa pamamagitan ng isang pelikula tungkol sa kanya. Buong pusong nangusap ang bawat eksena sa pelikula at masusing naipaliwanag sa akin ang sagot sa aking mga katanungan. Nagkaroon ng kaliwanagan kung bakit ang tao ay nabubuhay hindi para sa sarili lamang kung hindi para sa lahat.
            Sa edad na labingwalo ay nanumpa si Blessed Teresa na maging isang misyoonaryo at tagapagpahayag ng salita ng Diyos. Naging mahirap ito para sa kanya sapagkat kailangan niyang lisanin ang kanyang mga mahal sa buhay. Pumasok siya sa kumbento ng Sisters of Loreto sa Ireland. Matapos ang isang taon ay nagtungo sa India upang doon ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa Panginoon. Naging guro siya sa kumbento sa Calcutta. Nagtuturo siya ng Heograpiya at tungkol sa buhay ng Panginoon sa mga mag-aaral.
            Dumating ang panawagan ng Panginoon kay Blessed Teresa sa hindi inaasahang panahon. Paalis siya ng Calcutta upang dumalo sa kanyang annual retreat ng may makita siyang isang pulubing humihingi ng konting limos. Noong araw na iyon ay natanggap ni Blessed Teresa ang inspirasyon mula sa Panginoon. Nagkaroon ng maigting na pagnanais sa puso ni Blessed Teresa na kalingain ang mga uhaw na buhay at kaluluwa ng kanyang mga kapwa sa Calcutta, India.
            Ipinagdasal ni Blessed Teresa ng ilang buwan ang panawagan ng Panginoon sa kanyang puso na maging daluyan ng pag-ibig ng Panginoon. Lalung-lano sa mga kapwa niyang uhaw sa tunay na pag-ibig at pagmamahal. Napagpasiyahan niyang lumabas ng kumbento ng Loreto at pumasok sa mundo ng mga taong naghihikaos sa buhay. Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas si Blessed Teresa sa bakod ng kumbento na nakasuot ng puting damit na may asul na linya sa gilid.
            Panandaliang nag-aral siya ng simpleng pamamaraan ng panggagamot at muli ng bumalik sa Calcutta upang magtayo ng isang lugar kung saan maaari niyang alagaan ang mga mahihirap na kadalasang hindi napapansin n gating lipunan. Bumalik siya upang kalingain ang puso ng mga taong itinatakwil sa lipunan sapagkat sila ay may sakit, mahirap at walang pinag-aralan.
            Bumisita siya sa mga slums sa Calcutta, hinugasan ang sugat ng mga bata, nag-aruga sa matandang nag-aagaw buhay at nagkalinga sa isang babaeng halos mamatay na sa gutom. Ganito na ang naging pang-araw-araw na buhay ni Blessed Teresa. Uumpisahan niya ang kanyang umaga sa pakikipagtipan sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdadasal, tutungo sa lugar kung saan may nangangailangan ng kanyang kalinga habang hawak ang banal na rosaryo sa kanyang kamay.
            Sa biyayang kaloob ng Panginoon ay marami sa kanyang dating mga mag-aaral sa kumbento ng Loreto ang nagkaroon din ng pagnanais na tumulong sa mga nangangailangan. Isa-isa siyang sinamahan ng mga ito at nagsilbi sa kapwa at sa Panginoon. Nakakamangha kung paano nangusap at nanawagan ang Panginoon sa puso ng mga taong nakakakita ng kadakilaan ni Blessed Teresa. Maraming tao ang nagkaroon ng inspirasyon na ialay ang kanilang buhay para sa kabutihan ng nakararami.
            Hanggang sa huling sandal ng buhay ni Blesed Teresa ay inilaan niya upang pagsilbihan ang mga kapatid niyang higit na nangangailangan hindi lamang ng kalingan-pisikal lalung-lalo na pang-espiritwal. Nagsilbing tanglaw ang buhay ni Blessed Teresa sa libu-libong taong kanyang natulungan. Maraming puso ang naliwanagan at maraming buhay ang nabago nang malaman ang serbisyong kaniyang inialay para sa sangkatauhan at sa Panginoon.
            Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon at nalaman ko ang buhay ni Blessed Teresa. Isa siyang halimbawa ng mabuting lingkod ng Panginoon. Ang kanyang dedikasyon na magtungo sa lugar kung saan naroon ang mga taong masasabi nating poorest of the poor.  Hindi naging hadlang ang mga pagsubok at mga kaguluhang bumalakid sa kanyang daan upang mapagsilbihan ang Panginoon.
            “As you did to one of the least of your brethren, you did it to me” (Matthew 25:40). Tuwing nababasa ko ang bersong ito sa Bibliya ay palagi kong naaalala at patuloy na naiintindihan ang serbisyong inialay ni Blessed Teresa sa kanyang mga kapwa. Ang pagtulong na ibinigay niya ay para na ring pagtulong niya sa Panginoon. Dahil ang katawan ng tao ay templo ng Panginoon. Nilikha Niya tayong kawangis Niya. Kung kaya naman ano man ang gawin natin sa ating kapwa ay siya ring ginagawa natin sa Panginoon.
            Ang mga paghihirap ng pinagdaanan ni Blessed Teresa ay isang inspirasyon sa akin na patuloy na ialay ang aking buhay para sa Panginoon. Ang paghihirap na dinanas ni Blessed Teresa ay masasabi nating pakikibahagi sa paghihirap na dinanas ni Kristo sa tao noong akuin Niya ang kamatayan bilang kabayaran n gating mga kasalanan. Sa mga panahong nakararanas ako ng problema at pagsubok ay lagi akong nananangan sa Panginoon. Sapagkat siya ang may hawak ng aking buhay. Siya ang may-akda ng kwento ng aking buhay. Katulad ni Blessed Teresa, ako rin ay nilikha ng Panginoon hindi lamang para aking sarili kung hindi para sa aking kapwa.
            Ang buhay ni Blessed Teresa ay nagsilbing paalala sa akin na mahalin ang aking kapwa at tumulong nang hindi naghihintay ng kapalit. Naliwanagan ako na dapat ay maging buhay na patotoo ako na mapagpala ang Panginoon. Nagkaroon ako ng pagnanais na maging pagpapala sa ibang tao tulad ng ginawa ni Blessed Teresa. Natutunan kong magtiwala sa Panginoon sapagkat alam kong walang hinangad ang Panginoon kung hindi ang mapabuti ako.
            Bilang isang mag-aaral sa isang pribadong katolikong paaralan noong ako ay nasa high school pa ay marami akong natutunan tungkol sa Panginoon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maibahagi ang lahat ng aking mga natutunan sa pamamagitan ng pagututuro ng katekismo sa mga katutubong Aeta sa isang komunidad sa lalawigan ng Bataan. Tulad ni Blessed Teresa ay nakita ko sa mga mata ng mga katutubong ito ang pagnanais nilang mapawi ang kanilang espiritwal na pagkauhaw at pagkagutom. Nakita ko ang kagustuhan nilang magkaroon ng personal na relasyon sa Panginoon.
            Isang beses sa isang buwan kung kami ay magpunta sa bundok na kanilang kinalalagyan. Mahirap man ang daan patungo sa kanila ay nagagawa pa rin naming pumunta sa kanila dahil ang Panginoon ang nagbibigay sa amin ng ibayong lakas upang matulungan ang mga kapatid naming Aeta. Nagdadala kami ng kakaunting pagkain na kanilang magagamit upang matustusan ang kanilang pisikal na kagutuman. Nagbibigay din kami ng mga gamit sa paaralan upang magamit ng mga kabataan sa kanilang lugar na nag-aaral sa isang day care center sa kanilang komunidad. At higit sa lahat ay tinuturuan naming sila tungkol sa buhay pananampalataya.
            Tatlong taon akong naging bahagi ng Campus Ministry ng aking paaralan. Bawat oras na aking buhay na inilaan ko para sa pagsisilbi sa Panginoon at sa aking kapwa ay maituturing kong kayamanan na hindi mananakaw ninuman. Hindi laman ako nakatulong sa ibang tao bagkus ay natulungan ko din ang sarili kong lumago sa pananampalataya sa Panginoon.
            Masaya ako sa paglilingkod sa Panginoon. Walang nasasayang na panahon sa paglilingkod ko sa kanya. Sapagkat ang buong buhay ko ay pagmamay-ari ng Panginoon. Kung kaya’t marapat lamang na ialay ko ito sa Kanya. Sa simpleng paraan na kaya kong gawin ay iniaalay ko ito sa Panginoon. Laging kasama sa aking panalangin ang bigyan ako ng gabay ng Panginoon na nawa ay mapapurihan ko siya sa bawat oras at bawat ginagawa ko sa aking buhay.
            Nawa ay sa simpleng akdang ito na aking naisulat ay makapasok sa puso ng sinumang makakabasa na mabuhay para sa Panginoon na Siyang may bigay ng ating buhay. Sana ay Makita natin ang kagandahan ng pagtulong sa ating kapawa. Magsilbing inspirasyon nawa sa ating buhay ang naging pakikipagsapalaran ni Blessed Teresa upang mapaglingkuran an gating Panginoon. Huwag nawa tayong mawalan ng tiwala sa Panginoon kung nakakaranas man tayo ng kasawian sa buhay. Huwag nating sisihin ang Panginoon kung hind umaayon sa ating plano ang mga bagay. Dapat ay lagi nating isipin na ang karunungan ng Panginoon ay walang hanggan at kailanman ay hindi natin kayang mapantayan. Kung kaya naman ipaubaya natin sa Panginoon an gating buhay tulad ng pagtitiwalang ibinigay ni Blessed Teresa sa Panginoon.
             By blood, I am Albanian. By citizenship, an Indian. By faith, I am a Catholic nun. As to my calling, I belong to the world. As to my heart, I belong entirely to the heart of Jesus”. Nagsilbi itong paalala sa akin na ang aking buhay ay nabibilang sa Poong Maykapal. Mapalad ako, tayong mga Pilipino sapagkat nabubuhay tayo sa isang bansang Katoliko. Malaya nating naipapahayag an gating pagmamahal sa Panginoon. Hindi pa ba sapat ito upang paglingkuran natin ang Panginoon? Bilang pagtanaw natin ng pasasalamat sa pagtubos Niya sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng dugo ng Panginoon ay nagkaroon muli tayo ng pagkakataon upang magkaroon ng buhay na walang hanggang kapiling Siya.
            Hindi imposible na mapaglingkuran natin an gating mga kapwa. Hindi naman natin kailangang iwanan an gating pamilya at maging isang misyonaryo. Hindi natin kailangang magpakamatay para mapaglingkuran ang Panginoon. Mismong si Blessed Teresa ang nagwika ng mga katagang “We cannot do great things, only small things with great love”. Sa mumunting paraan ay maaari nating mapaglingkuran an gating Panginoon.  Ang simpleng mahalin natin an gating kapwa katulad ng pagmamahal na inialay sa atin ng Panginoon ay pagpapakita ng paglilingkod sa Panginoon. Ang pamumuhay na wala tayong inaapakang tao at ang pagtulong sa ating kapwa ay mga halimbawa ng mga bagay na maari natin ialay sa Panginoon.
            Bago ko tapusin ang aking mumunting akda ay nais kong sagutin kung bakit ba ako nabubuhay sa pamamagitan ng mga katagang binigkas ni Blessed Teresa. “When a poor person dies of hunger, it has not happened because God did not take care of him or her. It has happened because neither you nor I wanted to give that person what he or she needed.” Simple lang ang kasagutan kung bakit ako nabubuhay. Nabubuhay ako dahil sa Panginoon na siyang aking Panginoon at personal na tagapagligtas. Nabubuhay ako upang maging inspirasyon ng mga tao sa lipunang aking ginagalawan. Nabubuhay ako upang maging daluyan ng pag-ibig ng Panginoon. Nabubuhay ako dahil tulad sa sinabi ni Blessed Teresa,I have found the paradox that if I love until it hurts, then there is no hurt, but only more love”. Ang pagmamahal ng Panginoon ay hindi naghihintay ng kapalit, walang hanggan at walang hinihinging kondisyon. 
            Marami tayong pagsubok na mararanasan sa sandaling piliin natin na paglingkuran ang Panginoon. Ngunit an gating pananampalatay ang magbibigay sa atin ng kaginhawaan. Ikukubli tayo ng Panginoon sa lilim ng Kanyang mga pakpak mula sa mga kasamaan maaring humadlang sa atin. Magsilbing buhay na testament nawa ang buhay ni Blessed Teresa kung paano natin mapaglilingkuran ang Panginoon ng buong puso at buong kaluluwa.

Bakit/Paano Ako Nagsusulat? : Sa Kandungan ng mga Titik at Letra


Ourlad Alzeus G. Tantengco
201059051 BS Biology
MPs 10 WF 1:00 – 2:30PM

Sa Kandungan ng mga Titik at Letra

Hindi maitatanggi ninuman ang kahalagahan ng pagsusulat. Hindi lamang ito sistema ng mga arbitratyong linya na naiintidihan ng isang lipon ng mga indibidwal. Bagkus ito ay kanlungan din ng ating mga gunita, materyal na manipestasyon ng ating saloobin at nararamdaman na hindi natin maipahayag ng berbal at sa iilang mga tao lalo na ang mga manunulat, ang pagsulat ang kanilang buhay. Hindi lang dahil nagkakaroon sila ng pera dahil sa pagsusulat kung hindi nagbibigay ito ng kakaibang kaligayahan sa kanila na kailanman ay hindi kayang pantayan ng anumang halaga.  Paano kaya kung hindi ka nakakapagsulat? Paano kung isang araw ay mawala na ang konsepto ng pagsusulat?
Marahil iba-iba tayong ng dahilan kung bakit tayo nagsusulat. Maaring dahil kailangan upang hindi ka mabansagan ng kapwa mo na ikaw ay mangmang o walang alam. Ang iba naman ay para sa kanilang edukasyon dahil gusto nilang mapagbuti ang kanilang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pagsusulat. May mga taong nagsusulat para kumita ng pera. May mga nagsusulat upang magkaroon ng komunikasyon sa mga mahal sa buhay. May mga nagsusulat upang makilala sa industriya ng literatura. At may mga taong nagsusulat para lamang makatakas sa reyalidad ng lipunang ating ginagalawan at mamuhay sa makulay mundo ng mga letra.
Iba-iba ang dahilan kung bakit tayo nagsusulat. Maging ako sa bawat yugto ng buhay ko, iba-iba ang dahilan kung bakit ako nagsusulat. Iba-iba ang pamamaraan at iba-iba ang aking inspirasyon. Matagal na din akong nagsusulat ngunit kalian lang noong lubusan kong nalaman kung bakit ako nagsusulat. Hayaan ninyong ikwento ko sa inyo kung paano ko natagpuan ang tunay na kahulugan ng aking pagsusulat.
Pagkilala sa Istruktura ng Letra
Ako, hindi ko alam kung paano ako nagsimulang magsulat. Basta ang naaalala ko ay napilitan akong pag-aralan ito dahil sa matiyagang pagtuturo ng nanay. Hindi kasi kami pinapayagang manood ng telebisyon o maglaro kasama ang aming mga pinsan hangga’t hindi kami nag-aaral ng pagbabasa at pagsusulat. Noong mga panahong iyon ay hindi ko pa lubos na naiintindihan kung bakit buong puso kaming tinuturuan ng nanay na magsulat. Saka ko na lamang nalaman ang lahat noong nagsimula na akong pumasok ng paaralan.
Hindi naging madali ang pagkilala ko sa organisasyon ng mga linyang noon ko lamang nakita. Nanginginig pa ang aking mga daliri habang marahan kong ginagaya ang anumang linyang iginuguhit ng nanay. Madalas na nawawala sa linya ang aking mga isinusulat. Hindi pareho ang sukat ng mga letra. Matagal bago ko nagamay ang pagsusulat. Ang pagsusuat ay isang proseso na kailangan mong isapuso upang lubusan mong makilala.
Pag-angkin sa Paraan ng Pagsulat
            Sariwa pa sa aking gunita ang unang araw ko sa paaralan. Tandang-tanda ko pa noong unang beses kaming pasulatin ng aming guro ng aming mga pangalan. Dali-dali akong sumulyap sa bintana ng aming silid-aralan kung saan tanaw ko ang aking nanay na naghihintay. Nakalimutan ko ang paraan ng paggalaw ng aking mga daliri upang maisulat ng tama ang aking pangalan. Kinabahan ako at nang hindi ko na talaga maalala ang tamang paraan, naiyak na lamang ako sa aking upuan.
            Noong araw na iyon ay nalaman ko kung bakit pinagtutuunan ng pansin ng nana yang pagtuturo sa amin kung paano magsulat. Dahil gusto niya kaming maging handa sa pagpasok namin sa pag-aaral.
            Matapos ang unang araw ng klase sa kindergarten ay kinausap ko ang nanay. Sinabi ko na pagbubutihan ko na ang pag-aaral ng pagsulat. Matiyaga kong pinag-aralan ang lahat ng itinuturo ng nanay. Hindi naglaon ay natutunan ko ng buong puso ang pagsusulat. Lubusan kong nagamit ang panulat upang mahasa pa ang aking karunungan.
           
            Pagpasok ko sa mataas na paaralan ay nag-iba ang pagtingin ko sa pagsusulat. Naging mas malalim ang ugnayan naming ng aking pluma. Kung dati ay ginagamit ko lamang siya panulat ng mga lektura, pangsagot sa mga pagsusulit at panggawa ng mga proyekto, ngayon ay naging malalim ang dahilan ng aking pagsusulat. Marahil ay bunga na rin ng maraming akdang aking nabasa.
            Nagkaroon ako ng inspirasyon mula sa mga akda nila Genoveva Edroza-Matute, Ligaya Tiamson-Rubin at Efren Abueg. Nahumaling ako sa pagbabasa ng kanilang mga akda. Naging mataas ang paghanga ko sa mga Pilipinong manunulat. Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Noong mga panahong iyon ay nahimlay ako sa kandungan ng mga babasahing Pilipino.
Pakikipagtipan sa mga Letra
            Sa pagbabasa ko naranasang maglakbay sa isang unibersong katha ng mga magagaling na manunulat. Tinatangay ako ng kanilang mga malikhaing salita na animo’y rumaragasang daluyong ng tubig mula sa karagatan. Dinadala ako ng kanilang dakilang panulat sa alapaap ng kaligayahan. Kasama ko ang mga konseptong halaw mula sa kanilang balarilang hindi nauubusan ng mga dakilang ideya. Nadama ko sa tono ng kanilang akda ang damdamin at mensaheng nais nilang iparating sa aming mga mambabasa.
            Dito nagsimula ang paglalakbay ko patungo sa reyalisasyon ng tunay na dahilan ng aking pagususulat. Dumating ako sa punto ng aking buhay na ayaw ko nang maging pasibong element na lamang na umaangkas sa balintataw at pang-unawa ng mga manunulat ng mga akdang aking binabasa. Oo, aaminin kong naging masaya ako sa una ngunit nagkaroon ako ng pagnanais na makagawa ng sarili kong katha. Gumawa ng sarili kong unibersong ako naman ang magdidikta ng kapalaran ng mga tauhan sa akda. Nagkaroon ako ng pag-aasam na mabasa ng ibang tao.
            Nagsimula akong sumubok na magsulat. Nagkaroon ako ng mga paghihirap. Napagtanto ko na hindi ganoon kadaling magsulat. Mahirap bumuo ng mga konseptong ilalagay mo sa kwentong iyong isusulat. Kailangan mo ng maaliwalas at matahimik na lugar upang makapag-isip ng maayos. Ito ang mga naging karanasan ko sa pagsusulat. At ito ang nagsilbing hamon sa akin upang lalong magpursigisa buhay at lalo pang pagibayuhin ang aking talent sa pagsusulat.
Paghabi ng mga Letra
            Nagsimula akong magsulat noong unang taon ko sa high school. Naging parte ako ng opisyal na pahayagan ng aming paaralan. Malaking pasasalamat ko na nakasama ako Campus Journalism. Dito ko napaghusay ang aking talent sa sining ng pagsusulat. Nagsimula akong humabi ng mga salita upang maging balita na ilalagay sa aming  pahayagan. Ibang saya ang aking nadama lalo na at alam kong maraming tao ang nakakabasa ng aking mga naisulat.
            Naging bahagi din ako ng iba’t ibang kompetisyon sa pagsusulat. Naging kalahok ako sa mga Campus Journalism contests sa aming lalawigan. Hindi naging matamis ang karanasan ko sa unang pagkakataon kong sumali sa ganitong uri ng patimpalak. Ilang taon akong sumali sa News Writing in Filipino Contest sa Division Schools Press Conference sa Bataan. Nagkaroon ako ng maraming kasawian. Nasa ikatlong taon na ako ng high school ay hindi ko pa rin nakakamit ang tagumpay sa pagsusulat. May mga panahong naiisip ko na baka hindi talaga ako marunong magsulat o kaya naman ay baka ayaw talagang makipagtipan sa akin ng letra.  Naramdaman ko ang labis na kalungkutan sapagkat hindi ko alam kung paano ko hahabiin ang mga letra upang makabuo ng isang magandang obra.
Bagong Simula at Pag-asa
            Dumatin ang huling taon ko sa high school. Nangangahulugan din ito ng huling taon ko bilang bahagi ng opisyal na pahayagan ng aming paaralan.  Dead end kung tutuusin. Ito na rin ang huling pagkakataon ko upang maipakita ang aking galing sa pagsusulat. Napagpasyahan kong hindi na sumali sa patimpalak sa Pagsulat ng Balita. Napagtanto ko kasi na masyadong limitado ang mga konseptong maaari kong gamitin sa pagsulat nito. Nalilimitahan ang paggamit ko sa mga malikhaing mga salita.
            Naglakas-loob akong sumubok sa pagsulat ng lathalain. Dito ay mas naging malaya ako sa pagsusulat. Nagawang  kong paglaruan ang mga letra upang makabuo ng isang malikhaing akda. Nakaramdam ako ng kalayaan at kasiyahan. Nabuhayan ako ng loob. Ang inaakala kong magiging dead end ng aking pagsusulat ay siyang naging daan upang lalo kong mapagbuti ang aking pagsusulat.
            “Huli man daw at magaling, naihahabol din”. Napakasarap liripin sa akin isipan ang mga panahong tahimik akong nakaupo sa isang sulok ng conference hall. Mataimtim na nagdadasal para sa magiging resulta ng patimpalak. Naroon ang aking pag-asang kahit sa huling taon ko sa high school ay manalo ako sa patimpalak sa pagsulat. Nang dumako na sa pag-aanunsiyo ng mga nagwagi sa kategorya ng Pagsulat ng Lathalain ay lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Ilang sandali lamang, ay parang nagliwanag ang buong paligid, animo’y bumaba ang mga anghel sa lupa at nagbubunyi sa aking pagkapanalo. Narinig ko ang aking pangalan na binanggit at kasama sa mga nagwagi.
            Ang karanasang iyon ang nagpatunay sa akin na hindi ako kailangang magpadaig sa mga kasawian nakakamit ko sa pagsusulat. Maging ang mga magagaling na manunulat ay dumaan din sa ganitong mga kasawian. At lahat ng ito ay naging malaking bahagi at tulong sa kanilang pag-unlad. Nakasisiguro ako na lahat ng mga magaling na manunulat ngayon ay dumaan muna sa dagok sa pagsusulat. Natalo muna, nagkamit muna ng mga honourable mentions sa Palanca Awards bago mapasali sa tatlong pinakamagaling na akda at maging Hall of Famer ng nasabing patimpalak.
            Marahil ay may kanya-kanyang oras talaga kung kalian natin tunay na maiintindihan ang hiwaga ng pagsusulat. It is not the triumph but the struggle, ika nga ng karamihan. Dahil hindi naman talaga ang pagkapanalo ang magiging basehan kung gaaano ka kagaling na manunulat. Nagbago ang aking paningin sa mga karangalang maaring makamtan sa pagsusulat. Para sa akin, hindi magandang sukatan ang mga sertipiko at medalyang nakukuha natin mula sa pagsusulat. Ang mahalaga ay nagsusulat tayo ng buong puso at kaluluwa. Nagsusulat tayo upang maging kabahagi tayo ng hiwaga ng pagsusulat. At gusto nating maging inspirasyon sa karamihan lalo na sa mga taong nawawalan ng lakas ng loob at pag-asa sa buhay.
Renaissance sa Pagsusulat
            Nang pumasok ako sa kolehiyo ay nawalan ako ng panahon sa pagsusulat. Naging malamig ang ugnayan naming ng aking panulat. Hindi na naming magawang bumuo ng kahit simpleng akda. Kahit anong pilit ang aking gawin ay nahihirapan pa din akong balikan ang mga panahong umaapaw sa konsepto at ideya ang aking balintataw. Nananabik akong balikan ang mga panahon nakakapagsulat ako ng maayos at matiwasay.
            Sa aking pag-iisip ay nakadama ako ng labis na pagkatakot. Isang malaking katanungan sa aking isip kung bakit labis akong nawalana ng sigla at gana sa pagsusulat. Alam ko sa aking isipan na gusto kong magsulat ngunit ayaw tumipa ng aking mga daliri upang makapagsulat. Sa aking palagay ay masyado lamang akong nalunod sa mga technical papers, laboratory reports at mga formal reports kaya bahagyang nawala ang aking hilig sa pagsulat ng mga malikhaing sanaysay at akda.
            Humigit kumulang isang taon akong hindi nagsulat. Nasayang ang matagal na panahong iyon na sana ay nakapagsulat ako ng maraming mga akda. Naroon ang panghihinayang sa aking puso. Ngunit wala akong nagawa kung hindi tanggapin na lamang ang katotohanang nawalan ako ng pagkasigasig sa pagsusulat. Ngunit hindi ako pumayag na hanggang doon na lamang ang aking paglalakbay kasama ang mga titik at letra. Hindi ako nagpadala sa kawalan ng gana sa malikhaing pagsusulat.
            Kumuha ako ng mga kurso sa Filipino at Malikhaing Pagsulat upang matulungan akong buhayin muli ang kagustuhan kong magsulat. At batid kong hindi pa ako gaanong maalam sa pagsusulat kung kaya’t sinamantala ko ang oportunidad na maturuan ng mga batikang manunulat sa pamantasang aking pinapasukan. Hindi naman ako nagsisi sa desisyong aking ginawa. Nagkaroon ako ng renaissance period sa aking buhay bilang isang taong mahilig magsulat. Malaking tulong ang mga bagay na aking natutunan mula sa mga kursong aking pinag-aralan. Nakapagpatibay ito sa aking
Pag-unawa
            Ang buhay daw ay isang napakalaking aklat. Ang dalumat at banghay ay matagal ng naisulat ng Poong Lumikha. Ang  ating mga karanasan ang nagsisilbing pluma ng ating talambuhay. Nakasalalay sa ating kung susundin natin ang banghay na inihanda ng Panginoon para sa atin. An gating buhay ay isang aklat na daig pa ang pinakamagandang akdang naisulat sa kasaysayan ng mundo. Marahil may panahong ng kapighatian at mayroon din naman panahon ng kaligayahan. Ngunit ang lahat ng ito ang nagbibigay ng substansya at sangkap sa kwento ng ating buhay.
            Namamangha ako tuwing naiisip ko ang mga akdang naisulat noong unang panahon pa at napanatili at naipreserba hanggang sa kasalukuyan. Isang librong nagbigay sa akin ng tunay nakahulugan ng pagsusulat ay ang Bibliya. Kung ating iisipin ay napakatagal nang naisulat ngunit hanggang ngayon ay nananatili pa ring nababasa sa iba’t ibang panig ng mundo. Maraming buhay ang nabago at malaking pasasalamat ko sa Panginoon sa pagbibigay ng pagkakataong mabasa ang kwento ng kanyang buhay. Nagbigay ito ng pagkakapaliwanag sa akin kung bakit ba talaga ako nagsusulat.
            Napagtanto ko na gusto kong magsulat dahil gusto kong makapasok sa puso ng aking mga mambababasa at maiparating sa kanila ang damdaming aking nararamdaman. Gusto kong magsulat dahil gusto kong magamit ang talentong ibinigay sa akin ng Panginoon. Una ay para mapapurihan Siya sa mga akdang aking naisulat at pangalawa ay maging inspirasyon ng mga taong makakabasa ng aking mga kwentong naisulat.
            Kamakailan lang ay isinugod ako sa hospital dahil biglang bumilis ang tibok ng aking puso, nakaramdam ako pagkahilo at nagdilim ang aking paningin. Naipaliwanag sa akin ng pagkakataong iyon na hindi permanente ang buhay sa mundong ito. Tayo ang panandalian lamang namamalagi dito at sa kalaunan ay lilisanin din natin ito. Naitanong ko sa sarili ko na kung sakaling tawagin na ako ng Panginoon sa Kanyang kaharian, may mga tao pa kayang makakaalala sa akin. Hindi naman ako sikat na personalidad, ako ay isang simpleng mag-aaral lamang. Tiyak na mabubura rin ako sa alaala ng mga taong nakakilala sa akin. Dahil dito ay mas tumibay ang aking pagnanais na ipagpatuloy ang aking pagsusulat. Kahit man lamang may iilan na makagunita sa mga panahong napasayaw sila ng indayog at yaman ng aking panulat at nakasama ko sa mundong likha ng aking malikhaing imahinasyon at kaisipan ay lubos ko nang ikaliligaya
            

Wednesday, October 12, 2011

Univesity of the Philippines Diliman Prof Guide 2

Biology 11 lec Botany Part
Juliana Janet M. Puzon, Ph.D
1st Sem AY 2011-2012
Mabait naman si Maam Puzon in general. Medyo mahina nga lang ang boses niya. Saktong nasa dulo pa ako kaya minsan ay hindi ko naririnig ang mga dindiscuss niya. Medyo malumanay kasing magsalita si Maam. Minsan lang siya magpaquiz. Essay type pa. Hindi ko alam pero siguro dahil ayoko lang talaga ng Botany kaya hindi ko na enjoy. Marami naman matututunan kay Maam. Information overload nga minsan e. Siguro makinig lang kayo lagi para makapasa kayo sa mga exams. Wag din kayong matutulog sa class nia. Mabait si Maam pero ayaw nia na may natutulog sa class dahil disrespect daw iyon para sa kanya.

Biology 11 lab Botany Part
Brian Santos, MS
1st Sem AY 2011-2012
Mabait din si Sir Brian. Medyo malumanay din siyang magsalita. Magaling magturo si Sir. At ayos ang post lab nia dahil binibigay nia talaga lahat. So hindi mahirap magsagot ng mga exercises. Marami akong natutunan kay Sir. Lagi pa siyang nagpapa geoup quiz na 50 items. Ayoko lang talaga ng Botany kaya medyo mababa ang grades ko sa mga practicals. Pero magaling si Sir. Ayos ang pagtuturo at approachable.

Biology 11 lec Zoology Part
Jonas P. Quilang, Ph.D
1st Sem AY 2011-2012
Hindi namin ineexpect na si Sir na pala ang aming professor nung pumasok siya sa classroom. We were expecting na si Dr. Edna Amparado ang papasok. Pero ayos na din dahil magaling magturo si Sir Quilang. Naeexplain niya talaga ng mabuti ang mga lessons. May mga extra information pa kami na nakukuha from him. Lalo na ang mga funny mnemonics ni Sir. Haha. Every after matapos ang isang organ system ay nagkakaroon kami ng quiz. Good thing kasi mas naaaral namin ung mga lessons. Mas tumaas naman ang grades ko sa Zoology part. Enjoy at mas maappreciate mo kasi nararamdaman mo e. Katawan mismo ng tao ang pinag-aaralan niyo. +5 sa quiz basta present ka sa klase ni Sir. Ina upload niya pa ung mga powerrpoint presentations ng mga lecture kaya ayos. Hehe

Biology 11 lab Zoology Part
Ma. Dolores Tongco, Ph.D
1st Sem AY 2011-2012
Nagulat ako sa unang araw namin kay Maam. Ang sipag niyang icheck talaga kung nahanap namin ung mga parts ng mga specimens under microscope. Iniisa isa niya talaga. Tapos may quiz pa kami every meeting. Para makasiguro si Maam na binabasa talaga namin ang lab manual. Super ang dami kong natutunan kay Maam. Astig pa ang post lab namin dahil may camera siya na ginagamit para makita sa screen ng TV ang mga microscopic specimens. Mas tumaas ang grade ko dahil sa Zoo lab. Ang galing kasing magturo ni Maam. Ang bati niya at super approachable. Ang bata nga ng itsura ni Maam. Di ko akalain na may Ph.D na siya. :)

Chemistry 26
Kathleen Joyce Carillo, R. Ch., MS
1st Sem AY 2011-2012
SUper blessed ko na napunta ako sa class ni Maam Carillo. 2 lang kasi sila na nagtuturo ng Chem 26 during my time. Siya at si Maam Coo. SUper bait ni Maam Kaye. Lagi nag eemail ng ppt presentation ng mga lessons. Nagbibigay pa siya ng bonus. Marami kang matutunan sa kanya. Lagi pa siyang available for consultation. Approchable siya.Everytime na hindi ko alam ang gagawin sa FR sa kanya ako nagpapaturo. Ang laki ng itinaas ng grade ko dahil sa mga bonus ni Maam. Super. Salamat dun at naexempt ako from taking the Final Exams. I recommend her. Super galing at super bait. Marami kayong matututunan. Pero mahirap talaga ang Chem 26. Un lang ang masasabi ko.

Chemistry 26.1
Ralph Rolly Gonzales, R. Ch.
Super saya sa class ni Sir. First day pa lang ay puno na ng twist ang aming class. CS centric si Sir kaya pinili niya ang class namin na puro Science Major. Maayos naman magturo si Sir. Every experiment ay may RDR o FR. Once in your lab life ay mararansan mong mag post lab ng isang experiment. Oo, ikaw ang gagawa ng FR at ikaw din ang magrereport nun. So nakasalalay sa iyo ang magiging knowledge ng buong class. Though iaassist ka naman ni Sir. Very considerate ni Sir. Super bait nia at super approachable. Very updated pa at mamomonitor mo talaga ang grades mo. Madalas pa siyang nagbibigay ng pointers for practicals at exams. Ang grading system niya pala ay increments of .5 lang. So 1, 1.5, 2, 2.5, 3 lang ang pwede mong makuha sa class niya. May advantage kasi kung upper limit ka ng 1.25 magiging uno ka pero disadvantage kapag lower limit ka ng 1..25 magiging 1.5 ka.

Mathematics 54
Rowena Alma Betty, Ph.D
1st Sem AY 2011-2012
Super bait ni Maam Betty. Nasa personality na talaga niya nag pagiging mabait na Professor. Napadali ang Math 54 ko dahil kay Maam Betty. Napaka motherly figure nia. Super maiiintindihan mo talaga ang mga complicated lessons. Ang saya niya talaga maging prof. Laging nagbibigay ng handouts. Nagpapaquiz din siya at nagpapa assignments. 4 na long exams lang sa kaniya. Bali ang quizzes at assignments mo ay ang magiging 5th LE nio. May recitation din. Once na nakapagrecite ka ay may additional na 10 points ka sa quizzes. Tapos kapag complete attendance ka ay may additional 3% ka sa final grade. O Diba. So kung ako sa inyo ay kunin niyo siya bilang Prof. Hindi kayo magsisisi.

Malikhaing Pagsulat 10
Lilia F. Antonio, Ph.D
1st Sem AY 2011-2012
Grabe. Nabuhayan talaga ako ng loob sa aking passion in writing dahil sa class na ito. Super nagbigay talaga ako ng effort for this class. Ang daming naise share na experiences ni Maam. Religious din siya kaya gusto ko talaga siyang Prof. Un nga lang, minsan nawawala siya dahil ang dami niang seminars na kailangang puntahan dahil iniinvite siya as speaker. Considerate si Maam. Pumasok ka lang lagi at magpasa ng mga requirements ay ok ka na. hindi siya nagbabagsak basta do your part well. May plus .5 pa sa final grade kapag complete attendance. So kapag 1.5 ka magiging UNO ka na. O diba. Ang bait ni Maam. Ang mga requirements sa class niya ay pagsulat ng tula, maikling kwento, dula at pagtatanghal at creative non fiction. Hindi naman sobrang matrabaho lalo na kung mahilig ka talagang mgasulat.

Arkiyoloji 1
Jack Gilbert Medrana, MD, MS
1st Sem AY 2011-2012
Masaya ang class namin. Kahit na 5:30-7PM ang class. Malumanay magsalita si Sir Jack. Pero marami rin naman akong natutunan sa class niya. Mas naappreciate ko ang arkiyoloji. May quiz kami lagi kay Sir pero basta nakinig ka naman sa discussion ay masasagutan mo lalo na at essay type pa. May symposium din. Kaya required kang magreport. Wala namang ganong requirements kaya Sir. Assignments at quizzes lang din. Hindi rin nag aattendance si Sir kaya minsan konti lang ang pumapasok sa amin. Considerate siya at approachable. Wala kaming final exam. Pero may final project kami. Isang brochure na nagpopromote ng isang archaeological site sa Philippines. Masaya ang class. Marami akong naging new friends sa class namin. Hehe

PE 2 Social Dance
Michiko Sanggalang
1st Sem AY 2011-2012
Super naenjoy ko talaga ang Social Dance. Siguro dahil ang tagal tagal na simula ng huli akong makapagsayaaw. Medyo masungit sa una si Maam. Pero mabait talaga siya. Marami akong natutunan na sayaw from her. Ang mga requirements lang sa kanya ay attendance, journal at mga practicals. May group practicals at mayroon by partner lang. Ngapala, kung sino ang partner mo sa first dance, siya na ang partner mo forever. Ang final exam namin kay Maam ay isang instructional video ng mga dances na pinag-aralan namin. Medyo madalas mag absent si Maam sa classdahil pregnant siya. pero very considerate ni Maam. Marami kang matutunan. Maaappreciate mo talaga ang social dance. Kailangan pala naka PE uniform lagi at pants para sa boys at naka heels at skirt for girls.

Saturday, September 17, 2011

Maliliit na Hakbang Tungo sa Kinabukasan


Ourlad Alzeus G. Tantengco
MP10 WFW1 1:00-2:30 PM
Dagli

Unti-unti nang hinihila ng grabidad ang talukap ng aking mga mata. Bakas sa aking sulat kamay na nawawala na sa linya ang antok na aking nararamdaman. “Wala pa din ang inay”. Wala ng pag-asang maabutan ko pa siya. Hinintay ko nalang na maubos ang apoy sa mitsa ng gasera at ako ay tuluyan nang natulog at nagpahinga.
Kinabukasan, habang nahihimlay pa ang buong kabahayan ay gising na ang nanay at abala sa paghahanda ng pagkain. Matapos ay nagpalit siya ng uniporme at marahang pumasok sa aming silid. Nagpanggap akong natutulog pa. Nadama ko ang pagdampi ng kanyang nanunuyong labi sa aking pisngi. Nagmamadaling umalis ang nanay at animo’y nakikipaghalinhinan sa pagsilip ng araw sa silangan.
Nasanay na rin ako sa aming sitwasyon. Daratnan kami ng nanay na tulog na at lilisan siya ng aming tahanan na kami ay nanaginip pa. Isang gabi, hinintay ko ang pagdating ng inay at tinanong siya. “Inay, bakit po kailangan pa ninyong magtrabaho sa kabundukan gayong mas maginhawa ang buhay sa lungsod”. Sandaling katahimikan. Nabasa ko ang lungkot sa mukha ng nanay. Hindi na ako naghintay ng sagot. Pumasok na lamang ako sa aking silid at natulog.
Ang pagtatanong kong iyon ang nagbigay daan upang lalo kong maintindihan ang propesyon at responsibilidad niya bilang edukador ng ating bayan. Hindi salita ang isinagot ng inay sa aking katanungan bagkus ay isinama niya ako sa kabundukan na kanyang pinupuntahan.
Maaga kaming umalis ng tahanan ng nanay upang maglakbay patungo sa pinagtuturuan ng inay. Naroon ang magkahalong kaba at pananabik sa aking puso. Habang binabagtas namin ang baku-bakong daan ay nakaramdam ako ng kakaibang kahapuan. Kinailangan pa naming sumakay ng bangka sapagkat mataas ang tubig sa ilog gawa ng nakaraang malalakas na pag-ulan. Matapos ang mahigit tatlong oras na paglalakbay ay narating din namin ang lugar na pinagtuturuan ng inay. Maliliit at gawa sa pawid ang mga kabahayan. Isang komunidad na malayung-malayo sa urbanidad ang sa ami’y tumambad.
Natanaw rin sa malayo ang mga batang marahang naglalakad. Matamlay at mukhang kulang na kulang sa sustansya. Sa pagmamasid sa kanilang maliliit na hakbang, sumagi sa aking isipan ang isang katanungan. Kasabay kaya ng maliliit at mabagal nilang paglalakad ang usad-pagong na kaunlaran sa kanilang bayan? Hindi ko alam ang kasagutan ngunit ayokong isipin na ganoon nga ang kanilang kahihinatnan.
Bago nagsimula ang inay sa kanyang pagtuturo ay nagtungo muna siya kasama ang ilang mag-aaral sa likod ng paaralan. Kumuha sila ng ilang dahon ng saging. Walang kwadernong papel na magagamit ang mga bata kaya dito sila sumusulat gamit ang kapirasong uling.. Nalungkot ako. Gusto kong umiyak. Naawa ako sa sitwasyon ng mga batang Manobo. Halo-halo ang tinuturuan ng inay. Iba-iba rin ang kanilang edad. Ngunit nakita kong iisa ang kanilang pagnanais na makamit ang karunungang maghahatid sa kanilang mumunting bayan ng kaunlaran. Nakita ko ang pag-asa sa kanilang mga mukha.
Mabilis na lumipas ang oras. Madilim na rin ang paligid nang lisanin naming ang tahanan ng mga Manobo. Kasabay ng aming mabibilis at maliliit na hakbang pauwi sa aming tahanan ay ang pag-asang mabilis ding makakamit ng mga batang Manobo ang kaunlarang kanilang pinakaaasam. Hindi man ngayon o bukas, marahil nalalapit na ang itinakdang oras ng Maykapal para sa mga Manobong naninirahan sa kabundukan. At alam kong isa ang inay sa kasangkapang ginagamit ng Panginoong upang maisakatuparan ang nalalapit nilang pag-unlad.

Saturday, July 23, 2011

Tula - Rallentando

Ourlad Alzeus G. Tantengco
MPs10 – WFW1 - 1:00-2:30 NH
13 Hulyo 2011

Hindi ako isang makata
O dalubhasang maalam sa hiwaga ng salita
Ngunit hayaan ninyo akong kumatha ng tula
Alay sa guro ng musikang mundo’y nilisan na.

Sa bawat pagkumpas ng kanyang kamay
May ngiting laging nakaantabay
Mga liriko ng kanta’y kanyang binubuhay
Upang maging karapat-dapat sa Diyos ay ialay.

Isang gabing madilim pauwi sa kanyang tahanan
Mula sa pag-eensayo ng kanta sa simbahan
Malakas na tunog ng preno ng trak ang narinig
Matapos noo’y tuluyan ng naglaho ang kanyang tinig.

Nawala na ang dating sigla at galak
Animo’y natuyong talulot ng bulaklak
Kasabay ba niyang sumalangit
Ang saya sa aming pag-awit?

Bilang taong lumaki sa simbahan
Higit kong nalalaman
Pisikal lamang ang kanyang kamatayan
Buhay ay walang hanggan sa langit nating tahanan.

Habang tinitipa ng piyanista sa piyano ang piyesa
Ng isang awit mula sa Bibliya
Buong-pusong nangusap ang mga nota
Ipagpatuloy ang pagkanta sa misa.

Hindi para sa sarili o kanino man
Kung hindi para sa Panginoong lumikha ng Sanlibutan
Bumagal mang tulad ng rallentando ang musika ng kanyang buhay,
Mananatili itong buhay sa aming puso’t isipan.

Mahirap mang takasan ang kapighatian
Sa wika ng Panginoon ako sasandigan,
“Mas mainam ang isang araw kapiling ang Diyos ko
Kaysa isang libo na iba ang tahanan ko”.

Tula - H(ina)nakit

Ourlad Alzeus G. Tantengco
MPs10 – WFW1 - 1:00-2:30 NH
13 Hulyo 2011

Mga anghel na walang langit
Taguri sa mga abang paslit
Pagkaling ng ina sa kanila’y ipinagkait
Namuhay sa mundong puno ng pasakit.

Mabuti at sa kanila’y may nakakita
Bago pa man malagutan ng hininga
Matapos silang ihagis sa payatas
Ng kanilang inang sugo ni Satanas

Masakit mang isipin at tanggapin
Kabuktututang namamayani sa lipunan,
Hindi lahat ng ina marunong magpakaina
Hindi lahat katulad ni Maria.

Dugo at laman na nag mula
Sa sinapupunan ng ina,
Isang musmos na walang kalaban-laban
Bakit nagawang buhay ay pagtangkaan?

Hindi dahilan ang kahirapan
O masyado pang maaga at walang kahandaan,
Huwag ikatwirang wala pa sa hustong gulang,
Magpakatao at matutong manindigan.

Kung sa Diyos ika’y walang takot,
At ipagpatuloy ang kaisipang baluktot,
Makatakas ka man sa batas at hustisya,
Siguradong di ka patatahimikin ng iyong konsensya.

Higit sa buhay ang magiging kabayaran
Sa ginawa mong malaking makasalanan,
Hindi tao ang huhusga’t magbibigay pasakit,
Hintayin mo ang parusa at hatol ng langit.

Tula - Talambuhay ng Mga Libro sa NHI

Ourlad Alzeus G. Tantengco
MPs10 – WFW1 - 1:00-2:30 NH
13 Hulyo 2011

Pira-pirasong pahinang pinagsama-sama
Puno ng larawan at mga letra
Bukal ng dunong at kaalaman
Ukol sa mga naganap sa ating nakaraan.

Masusing binusisi at hinabi,
Sa utak ng mga historyador ng ating lahi,
Kanilang inilimbag at pinakaingatan
Upang maging sanggunian sa kinabukasan.

Ngayon, sa madalim na silid nahihimlay
Mga kayamanan ng ating kasaysayan
Ibinaon na sa limot ng karamihan
Lalo na ng gobyernong walang pakialam.

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan
Ang pagkalunod ng mga polyeto at aklat
Hanggang masira ng tubig ang tinta
At kainin ng anay ang mga pahina.

Paano pa makikita ng balana
Mayamang kultura ng ating bansa?
Kung ang mga librong tanging ebidensya
Tuluyan ng naglaho at nabura sa ating ala-ala.

Napagtanto mo na nga ba?
Hindi lang libro sa ati’y nawala
Bahagi ng kasaysayang dapat nating malaman
Kailanma’y ‘di na mababalikan at masusulyapan.

Pagwawalang bahala at kapabayaan
Ang nakikita kong mga dahilan
Kung bakit historikal na yaman sa museo ng NHI,
Unti-unti ng nawawala at nangamamatay.

Thursday, June 9, 2011

Wikang Ginagamit sa Pagtuturo sa UP College of Music

Ang Kolehiyo ng Musika ng Unibersidad ng Pilipinas
Itinatag ng Lupon ng mga Regent sa kanyang 773 pulong na ginanap noong Agosto 30, 1968 sa ilalim ng pangangasiwa ng President Carlos P. Romulo.
Ang U.P. Kolehiyo ng Musika ang gumaganap bilang isang epektibong kasangkapan sa gawain ng mga pambansang pag-unlad sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalidad at propesyonal na pagtuturo sa magkakaibang lugar ng pagdadalubhasa sa Musika.
Ang mga propesor dito ay nakatuon upang magbigay ng isang makabuluhan at personal na ugnay na pag-aaral ng musika pati na rin ang gabay ng mga mag-aaral sa kanilang mga hangarin na nagtangka ng pinakamataas na pamantayan ng kahusayan sa akademiko.

Mga Batayang Aklat na Naisulat sa Filipino
Prototayp na diksyunaryo sa musikang pang-edukasyon : Filipino-Ingles; Ingles-Filipino / ni Enriqueta Dayao-Palazo ; lupon ng patnugutan, Loreto C. Gloria et al. Quezon City : Amar Graphic Center, c2002.
Zarzuelang Iloko : mga salin sa Filipino kalakip ang orihinal na Iloko / isinaayos at binigyan ng introduksiyon ni Mario G. R. Rosal. Quezon City : Ateneo de Manila University Press, c1993.
Kolonyal na patakaran at ang nagbabagong kamalayang Filipino : musika sa publikong paaralan sa Pilipinas, 1898-1935 / Raul C. Navarro. Quezon City : Ateneo de Manila University Press, c2007.
Ang gabay : para sa mga banda ng musika / isinaayos at pinagtibay ng lupong tagapagpaganap ng Pambansang samahan ng mga banda sa Pilipinas Maynila : K[iko] P[ress], 1960.
Pag-unawa sa musika / Trinidad V. Viloria. Maynila : Philippine Educators, c1991.
Batayang aklat sa musika, sining at edukasyong pangkatawan para sa ikatlong baitang... / Crispina C. Garcia... [et al.]. Manila : Rex book Store, c1991.

Mga Tugtugin at Musical Score na Nailimbag sa Filipino
Guhit-tugtugin : a collection of Filipino folksongs arranged for young pianists / [by] Augusto Espino. Quezon City : Duetto Co., c2000.
Pamulinawen : Filipino folk song / simplified arrangement by Rosendo E. Santos. Manila : Llanes Sisters Music Store, c1961.
Pandangguhan : Filipino folk song / music arranged by Johnny Benasa original words in Tagalog by Levi Celerio. [Manila : s.n., 199?].
Nasaan ka irog : kundimang Tagalog / tugtugin ni Nicanor Abelardo titik ni Narciso S. Asistio salin sa Kastila ni Jesus Balmori. Quezon City : Sixta N. Vda. de Abelardo, 1951.
Paglipas ng dilim : sarsuelang Tagalog na sinulat ni Precioso Palma linapatan ng tugtugin ni Leon Ignacio. Manila : Manlapaz Pub. Co., 1964.
Handog sa pambansang alagad ng sining sa musika .Quezon, City: U.P. College of Music, 2003.

MGA PROGRAMANG DI-GWADRADO


CERTIFICATE SA MUSIKA (CM)
Isang 3-taong programa sa Musika na may konsentrasyon sa mga pampalabas na aspeto ng Boses, Strings, Wind Instruments, art Percussion Instruments.

DIPLOMA SA CREATIVE AT PERFORMING MUSICAL ARTS (DCPMA)
Isang 4 na taong pag-aaral na may mabigat na konsentrasyon sa paglalapat at pangteoretikong sining. Ang mga programa ay: Asian Music, Band Conducting, Choral Conducting, Composition, Dance, Instruments (Strings, Winds & Percussion), Music Education, Piano at Voice.

BATSILYER NG MUSIKA (BM)
Isang 5-taong kurso sa pag-aaral ng musika na may malawak na sakop na nagbibigay ng isang mahusay na pagsasanay para sa karera sa larangan ng musika. Ilan sa mga asignatura ay ang: Composition, Conducting (Band, Choral and Orchestral), Dance, Instruments (Strings, Winds and Percussion), Music Education, Musicology, Piano at Voice

MGA PROGRAMANG GWADRADO

MASTERADO NG MUSIKA (MM)
Ito ay isang 2-taon na kurso ng pag-aaral na idinisenyo upang bumuo ng isang balanse sa pagitan ng lalim sa isang lugar ng pagdadalubhasa at pagsasanay sa kagalingan sa iba pang mga larangan ng musika.

DOKTOR NG PILOSOPIYA SA MUSIKA
Ang Ph.D. Program sa Unibersidad ng Pilipinas-Kolehiyo ng Musika ay dinisenyo upang isulong ang musical scholarship sa bansa at sa Timog-Silangang Asya na sumasalamin sa mag pagbabago sa local, rehiyonal, pambansa, at pangkalahatang ekonomiyang pulitikal. Naglalayon ito na galugarin ang mga bagong estilo ng pagkatuto sa pag-aaral ng expressive communication sa konteksto ng kultura at sibilisasyon. Ito rin ay naglalayon na galugarin ang mga napapanahong pamamamaraan sa pananaliksik at naglalayon na makahanap ng mga alternatibo para sa Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya.

Wikang Ginagamit sa Talakayan
Noong kami ay mag-interbyu ng mga propesor sa Kolehiyo ng Musika, ang karaniwang isinasagot ng mga propesor ay Ingles dahil daw ito ang talagang medium of instruction nila sa Kolehiyo ngunit di naman daw maiiwasan ang paggamit ng Filipino dahil dito nila naipapaliwanag ng mas maigi ang mga teorya at mga leksiyon na mahirap maintindihan kahit sa Ingles. Sinabi nila na ipinipresenta nila ang aralin sa Ingles at habang tinatalakay ito ay ginagamitan na din nila ng Filipino.

Wikang Ginagamit sa Pagsusulit
Dito naman ay iba-iba ang naging tugon ng mga estudyante at mga guro. May ilan na nagsbi na Ingles ang ginagamit nila sa pagsusulit pero mayroon ding mga sumagot ng wala kasi daw ang kanilang pagsusulit ay practical exams.

Paglalagom
Hindi natin masasabi na naiiba ang resulta ng aming nakalap na impormasyon mula sa Kolehiyo ng Musika. Marahil ay may mga sumagot na iba sa aming hinahanap pero ang malaking bahagdan nito ay sinabing parehas na Ingles at Filipino ang kanilang ginagamit sa pagtuturo. Ito raw ay dahil sa Filipino mas naiintindihan ng mga estudyante ang mga itinuturong konsepto. Makikita dito na ang bilinggwal na istilo pa rin ang ginagamit ng kolehiyo pero makikita din natin sa mga librong nailimbag nito na hindi naman sila nagpapahuli sa paggamit na ating Pambansang Wika sa pagtuturo.

Wikang Ginagamit sa Pagtuturo sa UP SLIS

Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon
Ang Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon ay ang pinakamatandang paaralan ng aklatan sa bansa. Ito ay ang nangungunang institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa agham pang-aklatan at impormasyon hindi lamang sa bansa, ngunit pati sa buong rehiyon. Ang SLIS ay patuloy na nakapagtatapos ng mga top librarians at mga propesyonal sa agham pang-impormasyon na maaaring matugunan ang pangangailangan lakas-tao sa pamamagitan ng bagong sistema ng impormasyon at teknolohiya. Itinataguyod nito ang gradwadong programa noong 1962 upang patuloy na mapagbuti ang mga akademikong programa na sumasaklaw sa lahat ng mga lugar ng pananaliksik at agham pang-impormasyon, karagdagan sa mga tradisyunal na kurso sa library science na gumagamit ng mga makabagong pamamaraan. Ang teorya sa impormasyon, information storage and retrieval, pamamahala ng impormasyon at pagtatasa, diseminasyon ng impormasyon, elektronik na paglilimbag, at mga intelektuwal na karapatan ay kabilang sa mga kurso ng mga mag-aaral ng SLIS. Layunin ng mga programa sa UP SLIS ang mga sumusunod:

1. upang bumuo ng mga kinakailangang kakayahan para sa mga taong nagtatrabaho sa mga aklatan
2. upang mapahusay ang kakayahan at kasanayan ng mga taong nagtatrabaho sa mga aklatan
3. upang magkaroon ng mga librarians na may malalim na pagkaunawa sa naturang propesyon at paggamit ng mga aklatan.

Kursong Itinuturo
1. Batsilyer ng Library at Information Science (BLIS) - Ang BLIS programa ay dinisenyo upang ihanda ang mga mag-aaral para sa oportunidad sa propesyonal na pagpapakabibliyotekaryo, pananaliksik, pagsasanay, at paglilimbag ng libro sa kalakalan, relasyon sa publiko, pagkonsulta, at mga impormasyon na may kinalaman sa negosyo.
2. Masterado ng Library at Information Science (MLIS) - Ang MLIS Program ay nagbibigay ng propesyonal na paghahanda para sa mga karera sa akademiko, pampubliko at aklatan para sa pananaliksik at sa mga kaugnay na trabaho na tulad ng pamamahala ng arkibal koleksyon, pagtuturo at consultancy.
3. Diploma sa Librarianship - Ang Diploma sa librarianship ay isang isang taong programa na nagbibigay ng pormal na pagsasanay sa mga taong nagnanais na magtrabaho sa mga aklatan. Ang mga lugar ng konsentrasyon ng programa ay batas sa librarianship at librarianship sa agham pangkalusugan.

Mga Aklat na Naisulat sa Filipino
Buenrostro, Juan C. Gawaing Reference at Impormasyon: Introduksyon. Sentro ng Wikang Filipino. University of the Philippines Diliman. 1998
Faderon, Rosalie & Mary Anne Victoria Y. Ingles. Pagkakatalog at Klasipikasyon ng mga Babasahin: Introduksyon. Sentro ng Wikang Filipino. University of the Philippines Diliman. 1998
Buenrostro, Juan C. Jr. Batayang Aklat sa Librarianship. Great Books Trading. 1992

Mga Tesis at Disertasyon na Naisulat sa Filipino
Mendigo, Natividad A. Diksyunaryo ng Paggawa sa Pilipinas. SLIS. 2003
Lacson, Erlinda B. Paksang Pamuhatan sa Filipino. SLIS. 1979

Wikang Ginagamit sa Talakayan
Kadalasan ang panimula ng mga guro sa talakayan ay wikang Ingles at kapag nahihirapan ng intindihin ng estudyante ay ipinaliliwanag ito sa Filipino. Kapag ang pinag-aaralan ay ukol sa Pilipinas, Filipino ang ginagamit. Halimbawa, sa klaseng Childrens' Literature, pag lokal na mga libro ang ginagamit ay kadalasan Filiino na ang gamit sa diskusyon. Ngunit mas madalas na gamitin ang wikang Ingles sa pagtalakay ng mga teorya at konsepto ukol sa Library and Information Science. Mas madali ito para sa mga guro sa SLIS sapagkat ang mga teorya at pangunahing kaalaman sa Library Science dito sa Pilipinas ay nagmula talaga sa Amerika. Halimbawa na dito ay ang mga terminong cataloging, indexing, abstracting, reference, information systems, archiving. Nahirapan ang ilan sa mga guro na isalin sa Filipino ang mga termino sa Agham Pang-aklatan. Nagkaroon ng pagkakataon sa SLIS na itinuro ang isang kurso sa wikang Filipino. Nakipagtulungan ang noo'y dekano ng SLIS na si Prop.. Rosalie Faderon sa Sentro ng Wikang. Naituro naman ng maayos ang kursong “Kataloging” ngunit hindi maiwasan na pagtawanan ng mga estudyante ang mga termino sa Filipino. Gumamit sila ng mga librong nailimbag sa wikang Filipino. Ito ay tungkol sa basic practices of librarianship, tulad ng kataloging at klasipikasyon ng mga libro and non-book materials, reference at information services. Ayon sa gurong aming nakapanayam ay sinubukan niyang basahin ang mga librong ito ngunit para sa kanya ay hindi pa rin sapat ang naging diskurso na napapaloob sa mga libro dahil masyadong naging limitado ang paggamit ng mga salita sa Filipino.
Wikang Ginagamit sa Handout o Babasahin
Wikang Ingles ang ginagamit sapagkat ang mga teorya at pangunahing sanggunian ay nagmula sa Amerika.

Wikang Ginagamit sa Eksamen at Pagsusulit

Ingles ngunit pinapayagan naman ang mga estudyante na gumamit ng wikang Filipino sa pagsusulat ng mga sanaysay.
Paglalagom
Matapos namin makapanayam ang mga guro sa UP SLIS at makapagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral nito, aming napag-alam na mas marami ang naniniwala na mas epektibong wikang panturo ang parehong wikang Ingles at Filipino. Ayon sa karamihan ay mas mainam at naiintindihan ng mga estudyante ang mga konsepto sa paggamit ng billingual na paraan sa diskusyon. May mga konsepto at mga teknikal na termino na walang tuwirang salin sa Filipino kung kaya naman mahirap na ituro sa purong Filipino ang kanilang mga kurso. Kaya naman ang nakasanayang kalakaran ay ang pagsisimula sa wikang Ingles at pagpapaliwanag sa wikang Filipino. Sa ganitong paraan ay mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang mga itinuturo ng kanilang mga guro. Ayon din sa sarbey, hindi naman lahat ay lubusang naiintindihan ang wikang Ingles at hindi rin naman maaring ituro sa wikang Filipino dahil sa kakulangan sa tuwirang salin.

“I think making the students learn is more than the language being used in the classroom. It should not be linear. It also lies on how you, as a teacher, can 'play' with the language and words to make your students absorb (and yes, embrace) the subject more” - Iyra S. Buenrostro (Assistant Professor, SLIS)

Thursday, June 2, 2011

Ateneo College Entrance Test Schedule

FOR FRESHMAN APPLICANTS
Issuance of Application Forms
For Metro Manila and Provincial applicants:
June 13 to August 10, 2011

Deadline for Submission of Completed Application Forms and Registration for the Ateneo College Entrance Test (ACET)

August 12, 2011, 5:00 pm


Ateneo College Entrance Test


At the Ateneo de Manila University, LoyolaHeights Campus, Quezon City:
Four sessions to choose from:

September 17, 2011 (Saturday)
7:30 am – 12:30 pm

September 17, 2011 (Saturday)
1:30 – 6:30 pm

September 18, 2011 (Sunday)
7:30 am – 12:30 pm

September 18, 2011 (Sunday)
1:30 – 6:30 pm


At the Provincial Testing Centers:
September 17, 2011 (Saturday)

De La Salle University College Entrance Test Schedule

The application period is on June 13- Spetmeber 15, 2011.
Applicants from provinces may also inquire at the Guidance Office
of the following schools:

Freshmen Application Procedures
Fill out the Online Undergraduate Application Form and print a copy.
Proceed to the Admissions Office and submit the completed printed Undergraduate Application Form with all the required documents:
High School Principal
Class Adviser
Guidance Counselor
Use the DLSU Recommendation Form (download fromhttp://www.dlsu.edu.ph/admissions/undergraduate/_pdf/recommendation.pdf)

2.1. Certified Correct Secondary Scholastic Records
download from http://www.dlsu.edu.ph/admissions/undergraduate/_pdf/secondary-scholastic.pdf
2.1.1. Students who have graduated high school/secondary level will have to submit a photocopy of their 4th year high school report card.

2.1.2. International student applicants would have to submit a photocopy of their secondary school Transcript of Records.
2.2. Two (2) recommendations from any two of the following:
2.3. Three (3) identical passport photographs
2.4. Photocopy of National Statistics Office (NSO) Birth Certificate for Filipino citizens or photocopy of Birth Certificate, ACR/IR or passport for non-Filipino citizens
Pay the non-refundable Admission Processing Fee of PhP600.00 (Filipino citizens) or $50.00 (non-Filipino citizens).
Present the Official Receipt to the Admissions Office and secure the Admissions Kit and Test Permit. Your entrance exam schedule will depend on the earliest testing date available upon submission of the requirements.
Take the exam on your scheduled date. All applicants must present their exam permits on their date of examination.
Results can be accessed at the DLSU website in early January 2012. Individual status letters will be mailed to the address as indicated in the Application Form in early January. If you do not receive your results by then, please inquire at the Admissions Office.

How to Say I Love You in Philippine Languages & Dialects

Bicol: Namumutan ta ka
Cebuano : Gihigugma ko ikaw
Ibaloi: Pip-piyan tana
Ilocano: Ay-ayaten ka
Tausug: Kalasahan ta kaw..
Maguindanao: Kalinian ko seka..
Iranon: Gababayan aken seka..
T'boli: Bungnawa hukom.
Pampangan: Kaluguran daka
Hiligaynon - Guina higugma ko ikaw
- Naluyag ako sa imo
Ilonggo - Palangga ko ikaw
Chabacano: Yo ta ama contigo
Gaddang: Angganma Cu Icca
Ibanag: Iddu taka
Ilonggo: Ginahigugma kita
Ivatan: Ichadaw ko imu
Kankana-e: Laylaydek sik a
Pangasinense: Inaro ta ka
Tagalog: Iniibig kita / Mahal kita
Tausog: Malasa ako kaimo
Waray: Hinihigugma ko ikaw
Masbatenyo: Naila ako sa imo
Ifugao: Pin pinhod-ah
Tausug: Kalasahan ta kaw
Kinaray: Gihugma takaw
Shili: Anshemek tak

Tuesday, May 3, 2011

Book Review: Places and Regions in Global Context 5th Edition

Tantengco, Ourlad Alzeus G.
2010-59051
Geography 1 THW4
Alternative Paper

CHAPTER 1 – Geography Matters

Geography is an academic discipline that tries to understand and explain the diversity of people and places. It also gives attention to the spatial organization of human and humans’ interaction with the environment. The importance of geography as an academic discipline is becoming more widely recognized as globalization and advancement emerge in our competitive world.
Humans are all aware of the recent news report about the different catastrophic events that cause devastation to humanity. People refer to these catastrophes as natural disasters. But not all natural disasters are caused by nature alone. This statement brings us much closer to knowing the importance of Geography. This will give us an idea on how human activities play an important role in the processes that are happening on Earth.
Knowledge of Human Geography gives us an extent of knowledge about location, places and its influence to humanity. Different environment and places affects and influence the growth of people in different manner. For example, a person that lives in a location where vegetation is abundant will have a different diet with a person living in an urban area where instant foods are readily available in the market. In the same breath, a person growing up in a Christian family will have a different perspective about the world with a person growing up in a Muslim family. Culture, tradition, religion, nature and geography of a place have an effect in human lives.
Places are very important because they serve different functions and contribute to the country’s economy. Most places are interdependent on each other. We can take for example the scenario here in the Philippines. 27% of the country’s total electricity supply comes from geothermal power plant in the islands of Luzon, Mindanao and Leyte. Other regions in the Philippines draw rice from central Luzon. For fish and marine products, many regions get supplies from fish centers in Batangas, Palawan and Oriental Mindoro. This interdependence of places takes an advantage in the geographical differences of each region in the Philippines to suffice their necessity and commodity.
There is also interdependence between geographical scales. We can see here how global scales influence local scales and vice versa. One example is the use of contraceptive in the United States in response to the increase in population. It greatly influences the Philippines; several politicians persevere to adopt the use of contraceptives and are still pursuing to legalize the Reproductive Health Bill. On the other hand, local events also affect and influence the global scales. One good example here in the Philippines is the People Power Revolution in 1986 that restore Philippines’ democracy. The unity and courage that the Filipinos offered during that time encourage other countries like Indonesia, Romania, Nepal and Egypt to fight against corruption and communist dictatorship.
“Without Geography, you are nowhere”. This simply explains the importance of Geography in terms of location, direction and distance. Geography helps us to assess the space around us and to identify our position in relation to other things and places. Maps are geographer’s best colleague. They are the primary tools for spatial analysis. But maps also play an important role in our everyday lives. It made transportation faster and helps us to locate places easier. Other technologies used by geographers contribute a lot to our society like remote sensing and geographic information system.
Note: search for GIS in Philippines.

CHAPTER 2 – The Changing Global Context

Places and regions here in the Philippines undergo changes in its geography. Even before Spanish occupation up to the present times, we are still experiencing major changes in terms of agriculture, industry, political system and economy. Places and regions are interdependent; everyone has its own fair share in the country’s economic development. Even Philippines depends on different core countries like the United States of America,.
Philippines can be classified as a peripheral country because of being less developed in terms of quality of living, infrastructure, education and level of productivity. Philippines depend on other countries in terms of technological innovation. If we will go back to our history, we can see how different countries like USA, Spain and Japan exploited and dominated our country. Colonization somehow brought improvement to our country in terms of agriculture, infrastructure, education and political system but damage and exploitation to our country’s resources are more dominant.
Due to technological innovation, we have improved our agricultural system. Farming and harvesting of crops became easier and faster but our colonizers took advantage of our fertile lands. They forced us to convert our rice fields into plantation of “major cash crops” like coconut, sugarcane, abaca and tobacco. They made Philippines as their source of raw materials. 90% of the agricultural lands in the Philippines were allotted to “major cash crops” leaving only 10% for other crops including palay which is our staple food. We are forced to import rice from other countries because of the shortage brought to us by the conversion of our rice fields. This scenario merely explains the success of different core countries.
Globalization ..

CHAPTER 3 – Geographies of Population

Population geography focuses on the number, composition and distribution of human beings in relation to variations in the conditions of earth space. Sometime early in 2004, human birth raised Earth’s population to about 6.4 billion people. The Earth’s total population were affected by different basic factors like births, deaths, marriages and migration.
If we will put population geography into Philippine context, there have been different forms of migration that took place and contributed to the Filipino Diaspora. Long before age of colonialism, Filipinos migrate around Southeast Asia and Middle East. During Spanish colonization, many Filipino Illustrados migrate to Europe for their education. During the American imperialism most Filipinos migrated to America without restrictions until 1934 when the Tydings-McDuffie Act limits migration to 50 people per year.
Statistics show that there are 8,726,520 overseas Filipino workers with more than two million undocumented working in 194 countries and 7 oceans. There 11 million “global Filipinos” including overseas workers, residents and citizens of other countries. The top three destinations of OFWs are USA, Saudi Arabia and UAE. OFWs contribute to our country’s economy because of their remittances amounting to $14.6B annually. OFWs remittances accounts for the 13.5% to 14.5% of Philippines’ Gross Domestic Product (GDP).
Migration is also affected by different factors known as the Push Factors and Pull Factors. Push factors are events and conditions that impel an individual to move away from a location. Some of the push factors here in the Philippines are the weakening of the economy of the Philippines, inadequate job opportunities with 8.9 million underemployed and wide social disparities between rich minority and poor majority. On the other hand, pull factors are forces of attraction that draw migrants to leave a place. Some of the pull factors in the Philippines are the high demand of educated workers in other countries and better salaries and incentives abroad.

CHAPTER 4 – Nature, Society and Technology

Filipinos’ perception on nature was greatly influenced by the Spanish colonizers who colonized our country for more than 300 years. As we embraced Christianity, our colonizers have embedded to our minds the Christian perspective on nature, that is, humans are the steward of nature.
Philippines is a country blessed with natural resources, diverse flora and fauna, extensive coastlines, and rich mineral deposits.. These assets of our country have attracted different invaders. Colonization has brought exploitation and degradation to our natural ecosystem that greatly affects the biodiversity in our country. Several species of animals and plants have been extinct because of different human activities that abused our natural resources.
According to the 2008 IUCN Red List of Threatened Species, the Philippines has 42 critically endangered animals, 65 endangered species and 318 vulnerable animal species. Some of the endemic critically endangered species includes the Tamaraw (Bubalus Mindorensis) and the Tarsier (Haplorrhine Primates), which are well-known and attracts a lot of tourists every year. Most of the extinction of animal species are caused by human activities like destroying the natural habitat of certain species and killing animals for trade and for food.
The Philippines government has do some act regarding the exploitation of our natural resources before it is too late. Philippines might end up losing its entire animal and plant species if human activities like illegal logging and mining, deforestation and burning of the forests will not be eradicated.
Though we did not notice, all of our human actions generate chains of effect that reverberate through ecosystems and social systems. The Philippines has a tropical wet climate dominated by a rainy season and a dry season. Philippines is located along the typhoon belt, and it experiences dangerous storms from July through October. Floods and landslides are some of the common effects of typhoons. Recently, Philippines were bashed by the typhoon Ondoy which caused a lot of casualties and fatalities. This catastrophic event was made worse by abusive human actions. The rock slide-debris avalanche occurred on February 17, 2006 in Guinsaugon, Leyte was caused not only by torrential typhoon but also because of illegal logging and mining done in the area three decades ago.
Some of current environmental issues in the Philippines are the uncontrolled deforestation in watershed areas; soil erosion; air and water pollution in Manila; increasing pollution of coastal mangrove swamps which are important fish breeding grounds; severe water pollution that caused the death of one of the country's major rivers, though there are ongoing efforts at resuscitation.
Philippines is also involved with different international agreements which aims to preserve and protect the environment. Some of the agreements are about Biodiversity, Climate Change, Endangered Species, Hazardous Wastes, Law of the Sea, Marine Dumping, Nuclear Test Ban, Ozone Layer Protection, Tropical Timber 83, Tropical Timber 94, Wetlands, Whaling. Signed, but not ratified: Climate Change-Kyoto Protocol, Desertification.

CHAPTER 5 – Mapping Cultural Identities

Philippines is a country rich with culture and traditions. We are known because of our rituals and practices, indigenous instruments, native costumes and native armors. We are also known for sacrificial offering like giving food to our dead ancestors and killing live chickens as sacrifice. This material and non-material culture serve as the identity of the Filipinos.
Philippines is home to different ethnic groups and minorities. (put examples). There are also different religions in the country. Christianity is the major religion of our country and Philippines is the only Christian country in the whole Asia. Other religions in the Philippines are Islam, Iglesia ni Cristo, Jehova's Witnesses, Mormons and Atheism. Over 90% of the Philippine population are Christians. About 5% Muslims and the rest either practice other religions or practice no religion at all.
The Indigenous peoples of the Philippines consist of a large number of Malay ethnic groups. They are the descendants of the original Austronesian inhabitants of the Philippines that settled in the islands thousands of years ago. In 1990, more than 100 highland tribes constituted approximately 3% of the Philippine population.
Philippines is also blessed with diverse but unified languages and dialects. Some eleven languages and eighty-seven dialects were spoken in the Philippines in the late 1980s. Eight of these--Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicolano, Waray-Waray, Pampangan, and Pangasinan--were native tongues for about 90 percent of the population. All eight belong to the Malay-Polynesian language family and are related to Indonesian and Malay, but no two are mutually comprehensible. Each has a number of dialects and all have impressive literary traditions, especially Tagalog, Cebuano, and Ilocano. Because of the influence of colonization, we also have pidgin here in the Philippines. One example of pidging language is the Tsabakano, it is a form of Spanish and Visayan language.

CHAPTER 6 – Interpreting Places and Landscapes

Human geography also explore the relationship among people, landscape and places and how they affect each other. It also explores the features and formation of landscapesd. Landscapes are the comprehensive products of natural and human actions to the envronment. Each landscape shows a repository of the society that shapes and contributes to the formation of that certain landscape.
Landscape of Despair
Payatas is a landfill also known as Smokey Mountain. For iver 35 years, this has been a stark and heart-tugging reminder of the desperate conditions of Filipino people. Last July 10, 2000, after a massive rain, a thrashslide occurred in this area killing over 200 lives of people that lives around the area. The tragic victims were the scavengers and sorters at the dump site and those living in the nearby shanties.
Pasig River was once a clean and beautiful river that is home to different species of marine animals. But the influx of population brought about by industrialization and urbanization of Mettro Manila transformed Pasig River into a sewage and industrial effluents depot. Pasig River today is nothing but a river with shimmering with oil slicks, unpleasant odor, dark colored water, hyacinth blooms, and floating garbage and feces.
Slum Areas. There are about 20 million people in the Philippines living in slum areas. These areas shows feeling of helplessness and hopelessness. You can see malnourished children, dying people because of hunger and diseases and all forms of poverty.
Derelict Landscapes
Bataan Nuclear Power Plant is completed but never fueled located at Napot Point in Morong, Bataan.It was the Philippines' only attempt at building a nuclear power plant. Because of 4000 defects that was observed from the said powerplant and the fact that it was built near a major fault line, it was never used since its completion.
Corregidor is located in Bataan. It is one of the major historical places of the Philippines. This is a national shrine and an island fortress which was nicknamed "The Rock". This historical site was the last bastion to succumb to the Japanese invasion in the year 1942. Today, this landscape was just composed of devastated buildings and ruins of the last war between Filipino and Japanese.
Sacred Spaces
Quiapo Church is officially known as Minor Basilica of the Black Nazarene located in Quiapo, Manila. This is one of the most popular churches in the country for it houses the Black Nazarene. This is considered to be a sacred space because it was recognized by the Filipinos as a place of special religious activities and ceremonies. During the Feast of the Black Nazarene, many Filipinos go to this church because they believe that it has miraculous attributes.
Barasoain Church, also known as Our Lady of Mt. Carmel Parish was locates in Malolos City, Bulacan. It earned the title as the Cradle of Democracy in the East, the most important religious building in the Philippines. This church is also important because of its historical importance. This was also proclaimed as National Shrine by President Ferdinand E. Marcos.
Landscape of Power
Epifanio Delos Santos Avenue, formerly known as Highway 54 is the main circumferential road and highway of Metro Manila. This was considered as a landscape of power because of the purpose that it served during the People Power Revolution. This place was a living witness of the power and courage that Filipinos offered to fight against oppression and corruption in the government.
The Malacañan Palace is the official residence and principal workplace of the President of the Philippines. This place was considered as a landscape of power because it houses the highest administrative body of the Philippines. The palace has been the residence of eighteen Spanish Governors-General, fourteen American Civil Governors and later all the President of the Philippines after independence, with the exception of Emilio Aguinaldo.

CHAPTER 7 – The Geography of Economic Development

The major economic sectors of the Philippines are agriculture, services and industry, chiefly food processing, textiles and garments, electronics and automobile parts. The country's major industries are mainly centered in the urban areas around the capital city Manila. With significant reserves of chromite, nickel, and copper, mining in the Philippines also has immense potential.
The agricultural sector in the Philippines, though substantial continues to decline having contributed only 14.2% of the country's GDP which is the lowest compared to the industrial and services sectors. Major agricultural products are rice, sugar, coconut products, corn, bananas, pineapple products, aquaculture, mangoes pork, and eggs. The agricultural sector is subject to low productivity, low economies-of-scale, and insufficient infrastructure. This is mainly because most of our rice fields ang arable land areas are converted into commercialized buildings and infrastructures. Also, the government pays a little attention in our agricultural sector which could have been our greatest assets today.
The industrial sector of the Philippines had accounted for 32.1% of the country GDP in the year 2006. The industrial sector is mainly concentrated in the processing and assembly operations of various consumer products. Some of these include food and beverages, rubber products, tobacco, textiles, clothing and footwear, pharmaceuticals, paints, plywood and veneer, paper and paper products, and electronics. The heavier industrial products comprise of cement, industrial chemicals, fertilizers, iron and steel, glass, and refined petroleum products.
Over the past years the services sector has shown sustained economic growth and accounted for 53.7% of the country's GDP making it the highest contributor compared to the industrial and agricultural sectors. The services sector also employs the highest percentage of the workforce of Philippines. In 2004, it employed 49% of the country's workforce which was way ahead of the other sectors.
The growth rate of our country's Gross Domestic Product from 1990-1995 is 2.4 based on GDP at constant factor. The Gross National Product per capita of the Philippines in constant 1987 US$ is 851 during 1997 (GNP per capita in current US$ divided by the corresponding US Consumer Price Index for that year). The Gross National Savings (percent of GNP) in the year 1998 was 22.0%. The Gross Domestic Investment (percent of GNP) in the year 1998 was 26.5%. The unemployment and underemployment rate of the Philippines during 2002 is 13.9 and 19.6 respectively.

References

Getis, Arthur, Judith Getis & Jerome D. Fellmann. “Introduction to Geography 10th Edition.” Boston: McGraw Hill Higher Education, 2006.
Rubenstein, James M. “An Introduction to Human Geography: The Cultural Landscape 9th Edition.” Upper Saddle River, New Jersey: Pearson Prentice Hall, 2008.
De Blij, Harm J. & Alexander B. Murphy. “Human Geography: Culture, Society, and Space.” New York: John Wiley & Sons, Inc., 1999
Nori Soriano. “Philippines Endangered & Extinct Animals.” Date Accessed: March 25, 2011. 11:04 AM

123IndependenceDay. “Economy of the Philippines”. Date Accessed: March 25, 2011

Pananaw Ukol sa Wikang Pambansa

Tantengco, Ourlad Alzeus G.
2010-59051
Final Exam
Linggwistiks 1 THY 4:00-5:30
Ms. Emilita L. Cruz

• Ano sa mga konsepto, pananaw, pagkilala at pagtingin mo sa wika ang binago/nabago ng mga kaalamang nakuha mo sa ating pag-aaral, pag-uusap at pagtalakay sa wika. Kung meron man?

Bilang isang mag-aaral, napakahalaga ng wika sa aking buhay. Ang wika ang nagsisilbing tulay upang mailahad ng mga guro ang kanilang mga lektura at maihatid sa amin ang mga impormasyon at kaalaman na kailangan naming malaman. Nagsisilbi itong daluyan ng mga ideya sa pamamagitan ng komunikasyon at pakikipagtalakayan. Higit sa lahat, ang wika ay nagbibigay ng pagkakakilanlan at identidad sa isang tao.
Binigyang linaw ng kursong Linggwistiks 1 ang dating umaandap-andap na pananaw ko ukol sa wika. Sa ganang akin, alam ko na mahalaga ang wika para sa isang bansa ngunit hindi malinaw sa akin kung anong buti ang maidudulot ng pag-aaral ng wika. Binago nito ang dati kong pagkakaunawa sa wika. Ang wika pala ay hindi isang bagay na naimbento lang kamakailan, hindi ito isang bagay na madaling maintindihan at pag-araalan.
Habang binabagtas ko ang daan patungo sa pag-aaral ng wika ay unti-unting nailahad sa akin ang kahalagahan ng wika. Maraming mga tanong sa aking isipan ang nabigyan ng kasagutan gaya na lamang ng paano nabuo ang wika, ano ang mga prosesong pinagdadaanan nito, saan ito nagmula at marami pang iba. Naipaliwanang sa akin ng mabuti ang mga elemento at konsepto na gumagabay sa konstruksyon at pagbuo ng isang wika.
Sa talakayan ukol sa phonetics at phonology, natutunan kong pag-aralan at ianalisa ang mga tunog sa mga salita, kanilang mga katangian, saan at paano sila ginagamit sa wika. Maging ang posisyon ng dila at paraan ng artikulasyon ng bawat letra o phonemes ay natutunan ko sa kursong ito. Nabigyang linaw din sa akin na ang wika ay hindi basta na lamang naimbento o nalikha. Napakatagal na proseso pala ng pagbuo ng isang wika at napakaraming pagbabago ang pinagdadaanan nito. Sa phonology ko rin nalaman ang organisasyon ng mga tunog sa iba't ibang klase ng wika. May pinagbabasehang istroktura o kaayusan ang mga tunog sa salita. May espisipikong kapaligiran ang bawat phonemes. Ang phonemes ay ang tawag sa mga tunog na para sa mga native speaker ay magkakahawig ng pagbigkas ngunit kung mabusising pag-aaralan ay may kaibahan sa paraaan ng artikulasyon. Isang halimabawa ng phonemes ay ang /b/. Mayroon itong dalawang allophones, /b/, ito ang normal na b at ang isa naman ay ang /β/, ito naman ay binibigkas ng may pag-ihip.
Kasabay ng paglipas ng panahon, ang mga salita rin ay dumadaan sa iba't ibang pagbabago ng anyo na tinatawag na morphological processes. Nalaman ko sa kursong ito na sadyang napakayaman ng ating wikang pambansa. Napakabilis nakalilikha ng mga bagong salita mula sa ating wika. Iba't ibang paraan ang pinagdadaanan sa pagbuo ng bagong salita. Karaniwang nakapagpapabago sa isang salita ay ang pagpapalit ng mga morphemes nito. Ang morphemes tunog na may kahulugan. Isang magandang halimbawa nito ay ang salitang “sa” na maaring gamitin sa iba't ibang paraan. Maari itong gamitin bilang locative, benefactive o causative. Ang paraan ng pagbuo ng bagong salita ay maaaring:

• Affixation. Ito ang pagdaragdag ng mga prefix, infix o suffix sa isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Halimbawa ay ang salitang-ugat na “kain”. Sa pagdaragdag ng affix ay makakabuo tayo ng napakraming anyo ng salitang ito tulad ng kumain, kinain, kakain, kumakain at kainin. Lubos nitong napagyayaman ang ating wika.
• Compounding. Ito ay pagsasama ng dalawang magkaibang salita upang makabuo ng isang panibagong salita. Halimbawa ay bahaghari mula sa dalawang salita na bahag at hari.
• Reduplication. Ito naman ang pag-uulit ng isang salita upang makabuo ng panibagong salita. Halimbawa ay ang mga salitang isa-isa, iisa at batong-bato.
• Alternation. Ito naman ay ang pagpapalit ng tunog ng isang salita upang magkaroon ito ng bagong kahulugan. Sa katunayan ay walang ganitong proseso sa wikang Filipino. Makikita natin ito sa mga hiram nating salita. Halimbawa ay ang lolo at lola mula sa Espanyol na salitang abuelo at abuela. Ang 'o' sa lolo ay napalitan ng 'a' at naging lola. Ang pagbabagong ito ay nagbigay ng distinksyon sa mga salita.

Naging mas pamilyar ako sa talakayan ukol syntax o ang organisasyon ng mga salita sa isang pangungusap dahil madalas itong bahagi ng diskusyon sa asignaturang Filipino magbuhat pa noong elementarya. Isang bagay siguro na bago sa akin ay ang pagkakaiba ng kaayusan ng mga syntactic classes sa iba't ibang wika. Ang mga syntactic classes ay ang mga pangngalan, pandiwa, panghalip, pang-uri at pang-abay. Halimbawa sa Pilipinas, ang pagkakasunud-sunod ay maaring pagpalit-palitin hangga't nasusunod pa rin nito ang tuntunin ng wastong grammar. Lalo kong nabigyan ng halaga ang wikang Filipino dahil sa pagiging flexible nito. Napakaraming paraan na maaaring maisulat ang isang pangungusap sa ating sariling wika. Kahit anong parte ng pangungusap ay maaring maging sentro nito. Ang katangian na ito ng ating wika ay kaiba sa ibang mga wika.
Sa talakayan ukol sa Historical Linguistics ko natutunan na ang bawat wika ay may pinag-ugatan at pinagmulan na wika. Maging ang mga wika pala ay may mga pamilya. Nakamamanghang malaman na 50 porsiyento ng wika sa buong mundo ay nanggaling lamang sa iisang language family. Ito ay ang Indo-European Family, saklaw nito ang mga Germanic at Romance Languages. Isang malaking misteryo din para sa akin noong nalaman ko sa isa sa mga film viewing sa kursong ito ang wikang “Basque”. Ito ay ginagamit ng mga naninirahan sa baybayin ng Bay of Biscay malapit sa Pyrenees. Ang wikang ito ay hindi maihambing o maikonekta sa alin mang wika sa buong mundo. Ayon sa mga teorya ng mga linguist, isa itong pre-Indo-European language na nagawang ipreserba at panatilihing sa paglipas ng panahon. Kakaibang pagprotekta ang ibinigay ng mga ispiker sa wikang ito upang maipreserba ang kanilang wika. Hindi sila nag-aasawa ng hindi ispiker ng kanilang wika upang hindi mahaluan ang kanilang wika ng wikang banyaga. Sadyang napakahalaga ng wika sapagkat ito ang nagbibigay ng identidad sa isang nasyon o bansa.
Hindi lamang pag-aaral ng wika ang aking natutunan sa kursong ito. Higit sa lahat ay mas pinaigting ng kursong ito ang pamamahal ko sa aking sariling wika. Naipaalala nito sa akin ang kahalagahan ng wika. Dahil ito ang nagbibigay ng kaakuhan sa aking pagiging Pilipino. Aminado ako na mas gusto kong magsalita sa wikang Ingles dahil napakaintelektwal pakinggan ng wikang Ingles. Pakiramdam ko ay napakatalino ko kapag nagsasalita ako gamit ang wikang Ingles. Ngunit nabigyang linaw ng kursong ito ang maling persepsyon ko sa ating wika. Masyado ko palang minaliit ang ating wika. Naikintal sa aking isipan na ang tanong na paano ko mamahalin at mapag-aaralan ang ibang wika kung mismong sarili kong wika ay hindi ko kayang mahalin. Ngayon na natapos ko na ang kursong Linggwistiks 1 ay magsisilbi itong paalala sa akin na mahalin ang aking sariling wika higit sa anumang banyagang wika. Dahil lahat ay nagsisimula sa ating sarili, alam ko na hindi malalaing ang mga adhikain ng mga dalubhasa sa wika sa ating bansa. Darating din ang panahon na matututunang mahalin ng bawat Pilipino ang ating wikang pambansa. At ito ay magsisimula sa maliit na kontribusyon ng bawat mamamayan, sa simpleng paggamit ng ating sariling wika sa ating tahanan ay maipapakita na natin ang ating pagmamahal sa ating wika.

2. Ang panghihiram ng mga salita ng isang wika mula sa isang wika sa anupamang dahilan ay nangyayari. Ano sa palagay mo ang katanggap-tanggap na pagbaybay sa mga salitang hiram natin?

Isa sa mga suliranin ng mga grammarian, linguist at mga guro ang paraan ng pagbaybay sa mga salitang hiniram ng Pilipinas mula sa ibang bansa. Maging ang buong lipunan ay sangkot sa suliraning ito. Kung kaya naman dapat ay maging katanggap-tanggap sa mga karaniwang Pilipino at buong samabayanan ng paraan ng pagbaybay sa mga hiram na salita.
Sa kalahatan, ang namamayaning prinsipyo sa pagbabaybay ng mga salitang hiram ay ayon sa bigkas nito. Ngunit hindi lahat ay kayang isulat ayon sa bigkas gamit ang alpabetong Filipino kung kaya naman nagkaroon din tayo ng walong karagdagang letra. Para na rin ito sa ibang mga salita na kapag binaybay sa ating wika ay lubusang nababago ang ispeling at hitsura. Mas mabuti na pansamantala na lamang nating hiramin ng walang pagbabago ang mga salita upang mas madaling maintindihan.
Kailangan ay may mga altuntunin tayong sinusunod sa panghihiram ng salita dahil kung patuloy tayong manghiiram ng salita ay posibleng mawala o mamatay ang ating sariling wika. Kapag mas marami na ang gumagamit ng mga hiram na salita o di kaya ay marami na ang mas gustong magsalita gamit ang wikang banyaga.
Base sa aking napag-alaman mula sa mga artikulo at mga research journal sa internet may mga sinusunod tayong tuntunin sa pagbabaybay ng mga hiram na salita alinsunod sa ortograpiya ng ating wikang pambansa.

• Hangga't maaari ay huwag tayong manghiram ng salita. Maaaring ihanap muna natin ito ng katumbas sa ating sariling wika. Halimbawa ay ang salitang “rule”, marahil iisipin ng karamihan na isulat ang salitang ito gamit ang pagbabaybay na “rul” ngunit kung ating titingnan ay maaari nating gamitin ang katumbas nitong salita sa ating wika, ang “tuntunin”.
• Kapag ang salitang hiniram naman ay pangalan ng mga hayop sa ating bansa ay maaari nating gamitin ang mga katumbas nitong rehiyunal o lokal na salita. Halimbawa ay ang “tarsier”, maari nating gamitin ang Bol-anon na katawagan para dito – ang “mamag” at ang “whale shark” ay maaring tawaging “butanding” na siyang tawag ng mga taga-Bikol dito.
• Kapag ang salitang hihiramin ay sadyang walang eksaktong katumbas sa ating wika, maaari nating hiramin ang salita at baybaying alinsunod sa ating wikang pambansa o di kaya ay panatilihin ang orihinal nitong anyo. Halimbawa ay ang “philosophy”, maaari natin itong isulat bilang “pilosopiya” at ang salitang “psicologia” na salitang Espanyol ay maaaring baybayin ng “sikolohiya”. Tanggap din sa ating wika ang pagbabaybay gaya ng “arkiyoloji” mula sa salitang “archaeology”.
• Pinakamabuting gawin sa pagbabaybay ng mga salitang ating hinram ay sumunod sa opisyal na pagtutumbas ng Komisyong ng Wikang Filipino at iba pang mga ahensya ng pamahalaan. Ang mga institusyong ito ay naglalathala ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas na agham, agham panlipunan, sining at panitikan.

Sa pagbabaybay ng mga hiram na salita ay maari naman nating panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salita lalo na kung ito ay salitang pantangi, panteknikal at pang-agham. Halimbawa ay ang pangalan na “Manuel Roxas”, hindi natin maaring isulat ito ng “Manwel Rohas” sapagkat lubusang mababago ang pangalan gayundin naman sa mga pangalan ng lugar gaya ng Ilocos Norte at Barasoain. Gayunpaman ay may ibang tao pa rin na binabaybay ayon sa wikang Filipino ang pangalan ng lugar gaya ng “Quiapo”, ginagamit ng iba ang ispeling na “Kiyapo”. Pagdating sa mga siyentipikong terminolohiya tulad ng “sodium chloride” at “enzymes”, mas mainam na baybayin o panatilihin ang orihinal nitong anyo upang mas madaling maintindihan ng mga Pilipino. Gayunpaman, may mga ang mga siyentipikong termino na rin tayong naisalin sa ating wikang pambansa. Ang Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas ay naglilimbag ng mga siyentipikong libro gamit ang wikang Filipino. Isa na rito ay ang “Histolohiya: Mga Konsepto at Proseso” ni Dr. Annabelle A. Herrera. Layunin ng institusyong ito na palaganapin at pagyamanin ang wika at kulturang Filipino.
Ang mga hiram naman nating salita mula sa wikang Espanyol maliban lamang sa mga pangalang pantangi ay maari na nating baybayin alinsunod sa ating katutubong sistema. Halimbawa ay ang “cebollas” → “sibuyas”, “componer” → “kumpuni” at “abuelo” → “lolo”. Maging ang mga salita na ginagamitan dati ng letrang q tulad ng “qui” at “que” ay maari nating baybaying gamit ang letrang k.
Ang mga salitang hiniram natin mula sa wikang Ingles ay maaari ring panatilihin ang orihinal na anyo. Halimbawa ay ang mga salitang “daddy”, “boyfriend” at “joke”. Kung ang salitang ating hiniram ay malayo na ang kahuluhan sa orihinal na salita ay maaari na natin itong baybayin gamit ang katutubong sistema gaya ng istambay mula sa “stand by” at apir mula sa “up here”.
Dapat din nating gamitin sa pagbabaybay ang mga salitang matagal na o palagiang ginagamit bilang pantumbas sa hiniram na salita. Halimbawa ay ang paggamit ng telepono at hindi “telefon” o “telefono”. Dapat din nating tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya-kanyang katangiang pamponolohiya. Hindi natin masasabing ang hiram na salita ay katumbas na ng orihinal na salita kapag mayroon itong magkahawig na tunog. Dapat ay maging mapanuri tayo sa pagbabaybay ng mga hiram na salita. Halimbawa na lamang ay ang paggamit ng “deskriptiv” at “narativ”. Hindi ito magiging katanggap-tanggap sa ating wika sapagkat ang /v/ ating wika ay karaniwang nakikita sa gitnang bahagi ng mga salita at ito ay binibigkas na bilabial sa ating wika at hindi tulad ng sa Ingles na labiodental. Maaring maging katumbas ng salitang “descriptive” at “narrative” sa ating wika ay ang paglalarawan at pasalaysay.
Sa ating pagbabaybay, kailangan nating isaalang-alang ang kahandaan ng mga Filipino sa paggamit ng hiram na salita sapagkat walang buting maidudulot kung ang pagbabaybay na gagamitin ay hindi tatanggapin ng mga karaniwang Filipino. Kailangan nating sundin ang mga tuntunin sa pagbabaybay ng mga hiram na salita upang. Kailangang iipakita nating mga Filipino na hindi tayo malilito, hindi tayo mahihirapang matutunan ang mga opisyal na pagtumbas sa mga hiram na salita. Hindi bobo ang mga Filipino at kaya nating tandaan ang iba't ibang mga pagtumbas na ito. Kailangan nating ipakita na ang wikang Filipino ay isang wika na kayang ipaliwanag maging ang pinakamaliit na detlye ng atom at ang kalakhan ng kalawakan. Sa gayon, tayo bilang isang nasyon, ang mga karaniwang mamamayan kasama ang mga dalubhasa sa wika, ay mabilis na makakakilos tungo sa higit na intelektwalisasyon at siyentipikasyon ng wikang Filipino, ang ating tinay na wikang pambansa.

3. Marami ang wikang ginagamit sa Pilipinas mula norte hanggang sur. Anong buti, bilang isang Pilipino, na malaman ninyo kung anu-ano ang mga ito?

Ang Pilipinas ay nagtataglay ng 11 na lenggwahe at halos 87 diyalekto. 90 porsiyento ng ating populasyon ay gumagamit ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicolano, Waray-Waray, Pampangan at Pangasinense bilang kanilang native tongue. Ang mga ito ay nagmula sa Malay-Polynesian language family na siyang pinagmulan din ng mga wika ng mga Indonesian at Malay. Bawat wikang ginagamit sa iba't ibang rehiyon sa Pilipinas ay may angking katangian na nahuhubog base sa tradisyon at kultura ng mga ispiker nito.
Bawat diyalekto sa ating bansa ay may kanya-kanyang literary traditions lalo na ang mga Tagalog, Cebuano at Ilokano. Ang mga lenggwaheng ito ay may malapit na relasyon sa isa’t isa. May pagkakahawig ang kanilang mga sound phonemes at morphemes kung kaya naman mas madali para sa kanila na matutunan ang lwnggwahe ng bawat isa.
Ang napakaraming wikang ginagamit sa ating bansa ay sumisimbolo lamang sa yaman ng kultura ng ating bansa. Ito ay sumasalamin kung gaano napagyaman ng ating mga ninuno ang ating wika. Mahalagang pag-aralan nating mga Filipino ang iba't ibang wika sa ating bansa sapagkat ang ating wikang pambansa ay nabuo mula sa pinagsama-samang wika sa buong Pilipinas. Mahalagang malaman natin ito upang mabigyan natin ng halaga ang papel na ginampanan ng iba't ibang wika ng ating bansa sa pag-unlad ng wikang Filipino.
Isang kahalagahan marahil na malaman ang mga wika sa ating bansa ay upang mapagsama-sama natin ang mga magkakauring wika na may parehong katangian. Sa ganitong paraan ay mas madali nating maiintindihan at mas mapapadali ang komunikasyon sa buong Pilipinas. Tinutulungan tayong mga Filipino na mas maintindihan ang koneksyon ng ating wika sa iba pang mga wika sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung saang lugar sinasalita ang isang wika. Sa ganitong paraan ay malalaman natin kung saang lugar may mga wika na hindi gaanong naiintindihan o hindi pamilyar sa ating mga Filipino. Kadalasan ay mga katutubong etniko ang may mga wika na hindi gaanong nabibigyang pansin sa ating lipunan. Mahalagang malaman nating ang mga wika nila nang sa gayon ay magkaroon tayo ng komunikasyon sa kanila lalo na ang ating gobyerno upang malaman natin ang mga pinagdaraanan nila at ang kanilang mga pangangailangan.
Napakahalaga na malaman at mapag-aralan ang iba’t ibang wika sa bansa lalung-lalo na ng mga dalubhasa sa wika upang maclassify ang mga magkakahawig na salita at malaman ang mga prototype forms ng mga salita sa ating bansa. Mahalagang malaman ito upang malaman kung saang language family kabilang ang ating mga wika. Sa pamamagitan din ng kaaalaman sa mga wikang sinasalita sa ating bansa, maari tayong makagawa ng heograpikal na distribbusyon ng mga linguistic traits sa ating bansa. Maaari nating malaman ang mga linguistic area kung saan mayroong pagkakapareho sa wika dahil na rin sa pakikisalamuha o linguistic contacts ng mga taong naninirahan sa magkaratig na lugar.
Sa pag-aaral din ng mga wika sa ating bansa, malalaman natin ang iba’t ibang kultura ng ating bansa. Dahil ang wika ay isang kultural na institusyon, maari nating malaman ang mga pagkakaparehong kultural ng mga linguistic area na magkapareho ang mga wikang ginagamit. Malalaman natin ang mga genetic at typological relationships ng mga wika sa ating bansa. Maari rin tayong makagawa ng Language Family Tree at genealogy ng ating bansa.
Bilang isang Filipino, mahalagang malaman ang mga wika sa ating bansa sapagkat parte ito ng historikal na pag-unlad ng ating bansa. Marahil ay hindi alam ng karamihan kung saan nagmula ang mga salita na kanilang ginagamit sa kasalukuyan. Marahil aakalain lalo na ng mga kabataan na Filipio lamang ang wika sa ating bansa at lahat ng mga salita ay nagmula lamang dito. Upang mabigyan naman ng halaga ang kontribusyon ng ibang wika sa ating wikang pambansa ay mabuting mapag-aralan natin ito. Mapag-aaralan din natin ang mga pagbabagong naganap sa ating wika sa pamamagitan ng pag-aaral ng iba’t ibang wika sa bansa. Kung paano nakabuo ng mga bagong salita mula sa ating mga diyalekto at wika.
Isang susi din sa ating pag-unlad bilang isang bansa ay ang pagmamahal natin sa ating sariling wika. Bago pa man natin matutunan ang mga wikang banyaga ay mahalagang magkaroon muna tayo ng malalim na pagkakilala sa ating sariling wika. Magsisilbing pundasyon ito ng ating pagiging Filipino at magbibigay sa atin ng identidad bilang isang nasyon na may mayaman kulturang panglinggwistika.


Sanggunian

Greenberg, Joseph H. “The Methods and Purposes of Linguistic Genetic Classification”. Stanford University Press.
Huffman, Stephen. “Mapping the Genetic Relationships of Worlds Languages”.
< http://www.gmi.org/files/Mapping_Genetic_Relationships_World_Languages.pdf>
Komisyon ng Wikang Filipino. “Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa”.
Miclat, Mario I. Ph.D. “Pagsulong sa Ortograpiyang Filipino Bilang Salamin ng Kasaysayan at Kulturang Pambansa”
Tubeza, Phillip. “Local Dialects Key to Global Success”. Philippine Daily Inquirer. June 22, 2010.
U.S. Library of Congress. “Philippine Language Diversity and Uniformity”.
< http://countrystudies.us/philippines/36.htm>
Zafra, Galileo S. Ph.D. “Ang Estandardisasyon ng Wika at ang Pagsusulong ng Filipino sa Akademya: Introduksiyon sa Gabay sa Pagbaybay”. Sentro ng Wikang Filipino, U.P., 2004