Michiko Sanggalang
2nd Sem AY 2011-2012
Maam Michiko is pregnant during our time pero she is still teaching though we have a student teacher. Bale si Maam Sheena (our student teacher) ang talagang nag didiscuss and Maam Michiko gives additional information. I have learned a lot from this course though I must admit na parang GE itong course na ito. You really have to study every exam though I found it enjoying kasi may mga Bio lessons din so advantageous for me. May mga activities din kami like different exercises and tests for physical fitness. MEdyo strict nga lang si Maam sa attendance. We had 2 major exams, 50 points each. Required din kaming manood ng 2 UAAP Games/Dance Concert at gumawa ng reaction paper about it. If you like Bio, Nutrition and Healthy Living, I recommend this course. Medyo nakakaantok lang kasi 7am ang class. :)
Bio 12 lec (Animal Reproduction & Dev't and Ecology Part)
Prof. Augustus Mamaril
2nd Sem AY 2011-2012
First impression ko kay Sir ay OC at weird. Wag na wag kang mag-aabsent or magpapalate sa 1st day of class kay Sir Mamaril. Grabe, pagsisisihan mo. Strict siya sa klase, may seating arrangement kayo. He uses LCD projector and OHP during discussion. Ayaw niya ng maingay sa klase niya. He entertains questions naman so don't be afraid to ask him questions. May mga blitz quizzes din siya pero announced naman yun. Take note of the scientific names of the species na binabanggit niya. Basta lahat ng mga info na wala sa projector at nasabi niya, i note mo lahat. For sure, lalabas yan sa blitz quiz at long exams. Sa ecology part take note of the title of the books and authors na ibibigay niya. Included lahat sa exam yon. Relatively mas madali ang exams ni Sir Mamaril compared kay Prof. Roderos. Marami ka namang matututunan kay Sir. At marami siyang baong jokes. God bless.
Bio 12 lec (Plant Reproduction & Dev't and Genetics)
Prof. Remedios R. Roderos
2nd Sem AY 2011-2012
Ayaw ni Maam ang may natutulog o inaantok sa klase niya kaya agad niyang binubura ang mga isinusulat niya sa board para hindi daw makakopya yung mga natutulog. Strict din si Maam Roderos lalo na during exams. Super strict niya. Mahirap din talaga ang gma exams ni Maam. Kung gusto mong makauno sa kanya talagang extra effort ang kailangan. Marami ka namang matutunana at hindi boring ang discussions niya. Naka OHP pala ang mga lectures niya. Magbasa ka ng books (Campbell) for the exams. Basta makinig at mag-aral ng mabuti for her exams. I tell you, mahirap talaga. Ang dami pang multiple choice sa exams at mahilig din siya sa mga analogy type of questions.
Bio 12 lab (Frog Dev't and Animal & Protozoan Diversity Part)
Dr. Ian Kendrich C. Fontanilla
2nd Sem AY 2011-2012
Fun na na taecher si Sir Fonti. Gusto ko ang mga UP yabang shirts at mga Bio shirts niya. Haha. Magaling naman magutoro si Sir Fonti. Nag po post lab siya every after exercises. May quiz every meeting sa lab class niya.Pero makakatulong talaga ito for preparing you or the lab exams. Helpful ang mga discussions niya kaya magtake pictures sa slides niya or magnotes. 2 lab exams ang matetake niyo under him. Fun naman ang lab exercises. Yung nga lang masusubok ang artistic skills mo during animal taxonomy part dahil required kayong idraw ang lahat ng mga specimens (both microscopic at macroscopic). Magpasa din ng plates on time kay Sir at make sure na nasagutan mo lahat ng mga questions. Aral mabuti.
Bio 12 lab (Monera & Plant Diversity, Genetics and Ecology Part)
Dr. Regielene Gonzales
2nd Sem AY 2011-2012
Super fun ni Maam Reg. At first hindi ko akalaing Ph.D degree holder na si Maam. Ang bata pa ni Maam. Matalino din siya. Grabe. Lagi kaming nagtour around UP at nagtitingin ng mga plant specimens. Grabe dahil alam niya halos lahat ng mga species ng halaman, lumot atbp around UP. Amazing talaga siya. Medyo sabaw din minsan si Maam. Kaya hindi ko gaano naintindihan yung mga post lab niya. Pero ibibigay niya naman ang soft copy ng mga lectures niya so pwede naman aralin. May quizzes din kay Maam Reg kaya magreview. Ung mga plates naman at the end of the sem nio na ipapasa sa kanya. Mabait talaga si Maam at super approachable naman.
Bio 180 1st Part
Dr. Jonas P. Quilang
2nd Sem AY 2011-2012
For me, magaling magturo si Dr. Quilang at marami talaga akong natutunan from him. Talagang nahirapan lang ako sa Probability part pero maganda pa rin ang grades ko kay Sir. Lenient din siya sa additional points sa exams. Nag +10 nga siya sa 1st exam dahil marami ang bagsak. Hindi naman super hirap ng exam niya. Tama lang na makakapasa ka kapag nag-aral ka ng mabuti. On the other hand, may bias din ako for commenting kay Sir kasi Christian siya. Super approachable ni Sir. Nagbibigay din pala siya ng hard copy ng mga lectures niya. So pwede mo aralin in advance lahat ng lessons. Medyo madalas nga lang wala si Dr. Quilang during our time kasi may proposal sila nun sa DOST. Usually gabi ang ang exams kay Sir. Mag-aral lang mabuti kaya naman. Hindi naman terror at nambabagsak si Sir. SPSS 17 ang statistics software ang gamit ni Sir.
Bio 180 2nd Part
Dr. Zubaida U. Basiao
2nd Sem AY 2011-2012
Medyo mahina ang boses ni Dr. Basiao kaya she uses mic most of the time. Mahinahon siya magdiscuss. Kaya minsan nakakaantok. Lalo na at airconditioned ang buong room. Pero she asks her student naman kung hindi naintindihan ang mga discussions niya. Nagbibigay din siya ng hand outs na pwedeng makuha sa CASAA. I guess kelangan mo talaga mag-aral ng mabuti kay Dr. Basiao. Mas mababa kasi ang grade ko sa kanya compared kay Dr. Quilang. Pero mabait siya. Systat or Mystat 13 pala ang gamit niyang statistics software so magdownload ka na para may magamit ka sa computer sessions. Mag-aral mabuti for her exams. May computation at may essay part sa exams niya. Mabait sila ni Dr. Quilang. Sulit lahat ng pagod mo. Lenient sila sa pagbigay ng mga grades.
Chem 31
Patrick Fernandez, M.Sc.
2nd Sem AY 2011-2012
First time magturo ni Sir Yayik ng Chem 31. He did not teach Chem 16 para makapagturo ng Chem 31. Halata naman na nangangapa pa si Sir pero kaya naman. Yun nga lang, hindi ako nainterest sa course. I don't know. Siguro sa akin na yun kasi siesta time at hindi ko nahuli ni Sir ang gusto kong way of teaching. Pero mabait si Sir Yayik. Announced and mga quizzes niya. Mahilig si Sir sa synthesis type ng quiz. Tipong name the reagent/catalyst at draw the products ang type ng mga exams nia. May cheat sheet naman sa exams nia. sa 5x8 index card, wrtie all you want. Malaking tulong pero mahirap talaga ang exams niya. Kaya naman. Hindi ka naman babagsak. Naexempt naman ako sa finals pero hindi pa rin ako satisfied sa grade ko. Aral lang kayo mabuti.
Chem 31.1
Sir Reece Joreim Hugo
2nd Sem AY 2011-2012
Cool talaga si Sir Reece. Very relax ang lab class niya. At super fun talaga. Mabait si Sir Reece at masayahin. Wala kaming quizzes sa kanya nung first half pero after ng midterms, nagquiz na kami every after experiment. Mabababa kasi ang grades namin sa midterm exam. Ok lang ang mga lab experiments pero boring para sa akin. Mga quialitative tests lang kasi ang gagawin niyo. Exciting na part lang ay ung mga synthesis experment. Dahil gagawa kayo ng soap.Fair magbigay ng grades si Sir Reece. Pero never pang may nakaUNO sa class niya. May party after the semester. At nanlibre si Sir ng 6 boxes of pizza. Siguro kasi naging close din talaga kami sa kanya. Ok na Prof si Sir. Sana makuha niyo din siya.
Physics 71
Cindy Liza Esporlas
2nd Sem AY 2011-2012
Christian din si Maam. Hehe. Pero mahirap talaga ang Physics for me. Super ginapang ko talaga para lang makapasa sa course na ito. Mahirap din kasi large class ang Physics 71. Ang hirap lang mag-absorb ng mga lessons kasi sobrang dami niyo sa class. Ayos naman magturo si Maam. Nagbibigay ng mga exercises at mga quizzes. Nagbibigay din siya ng soft copy ng mga lectures niya at mga previous exams. So pwede mong aralin before the exams. Mag-aral ng mabuti sa Physics 71. Mabait din si Maam sa Recit class namin. Nagbibigay pa siya ng clue sa mga mahihirap na questions. Fair din magbigay ng grades.
Anthro 10
Rolando Esteban, M.A.
2nd Sem AY 2011-2012
Gusto ko talaga ang class na ito. Napakarami kong natutunan at maraming bagay ang nainterest talaga ako. Lalo na ang mga sociobiology na topics. Ang dami kong tanong kay Sir. Nagprerog lang ako sa kanya. Ang saya kasi kahit na overload na ang class niya tinanggap pa din ako. Buti talaga natanggap ako. Mahirap ang exams niya pero mabait magbigay ng additional grades.Very considerate talaga ni Sir. Nung midterms namin +0.5 sa grade. so kung 1.5 nakuha mo magiging 1.0 na grade mo. Medyo mahirap din ang finals. Fair sa pagbigay ng grades. Ibibigay niya kung ano talaga ang deserve mo. May final project sa kanya. Isang video presentation ng any topic in Antrhopology. Fun ang course na ito.
No comments:
Post a Comment