PE 2 – Walking for Fitness
Pio Opinaldo
1st Semester AY: 2010-2011
Trivia lang, member ng UP PEP si Sir Pio. Mabait naman si Sir kaso nakakapagod lang talagang maglakad. First week hindi siya nagpakita sa amin. During our first sessions sa may vanguard lang kami and then next vanguarg to CHK na until mapunta kami sa ACAD OVAL Every week nadadagdagan ung laps na kailangang lakarin so it's challenging lalo na at under time pressure. He ckecks attendance every meeting so magsipag sa pagpasok. Requirement pala kay Sir na manood ng 2 UAAP basketball games or kaya pwedeng Cheerdance Competiton, pwede na din ung Dancing in September at may practicals outside the campus. During our time sa Tagaytay ang practicals. Mataas namang magbigay ng grades si Sir. Okay siyang Prof.
Rating: 8/10
Kas 1 - Kasaysayan ng Pilipinas
Dr. Eden M. Gripaldo
1st Sem AY: 2010-2011
Dr. Gripaldo is 75% chinese and she speaks Mandarin fluently. She likes techie gadgets, interesting. She has a lot of stories at super fun and interesting. Minsan nga nalalayo kami sa topic dahil sa kwento niya. Hindi nakakaantok ang discussion niya. We had 3 exams sa kanya. 1 quiz, 1 long exam and 1 finals exam. First 2 exams ay mixture ng objective at essay pero ang finals is pure essay. Hindi siya nagbabalik ng exams so you will see your grade directly sa CRS. Pwede kang mag special project sa kanya kung gusto mong tumaas ang grade mo at kung may talent ka talaga. One example ng nagspecial project sa kanya ay yung putik painter na nafeature sa Rated K, pero she pays for your work naman. Haha, ok naman siyang magbigay ng grade.
Rating: 8.5/10
Pan Pil 17 - Panitikan at Kulturang Popular
Elyrah Salanga
1st Sem AY: 2010-2011
Honestly, medyo natakot ako kay Ma'am at first encounter. Nakakasindak kasi siya. Well, gusto niya laging masaya at energetic ang class. Gusto niya laging may nagrerecite, if not, magtatawag siya using index cards. We used the book “LAGDA” in her class, as in andun na lahat ng readings niyo for the whole semester. Mahilig magpa surprise quiz si Maam so make sure na binasa mo ang mga readings niya. Madalas din ang group activity at reporting. Kritiko siya pero magaling mag evaluate. Purong essay ang midterm at final exam sa kanya. Mahirap ang mga tanong pero kung magbabasa ka naman ng mga notes mo ay masasagot mo naman. She likes to give bonus question at related un sa mga current TV shows at movies. Sa grades, marami atang mababa sa class namin, IDK kung may bumagsak pero nakakuha naman ako ng mataas kay Maam. May bonus paper siyang binibigay, anything about pop culture. Haha
Rating: 8/10
Geol 11 – Principles of Geology
Nicole Elloise Pellejera
1st Sem AY: 2010-2011
20/20 ang vision ni Maam Nix at kaya niyang basahin kahit super liit na ng texts. Cute si Maam at harmless at first. Pero wag ka dahil every meeting ay may quiz about sa topic na ididiscuss nio palang. 5 points lang naman at binibigay niya naman ung lecture ahead of time, un nga lang maraming blanks sa lecture and you have to search and answer it yourself. Avoid lates sa kanyang class dahil ZERO ka sa exam kung late ka and you can't take it anymore. May isang field trip at group project sa class niya. In our time, music video about geology ung project. Magaling naman siya pero mababang magbigay ng grades sa project at mabababa ung grades namin sa Departmental Final Exam. Siguro fault din namin. Pero maraming nadisappoint nung nirelease sa yahoogroups namin ang aming final grades cause it's lower than what we expect. Walang naka-UNO sa class namin.
Rating: 7.5/10
Math 17 – Algebra ang Trigonometry
Paul Reine Kennett Dela Rosa
1st Sem AY: 2010-2011
Si Sir Kennett ay medyo weird when I first saw him. Late pa nga ako sa class nung first meeting. May mannerism siya, mahilig niyang ipont ung hawak niyang marker sa pisngi niya at titingin sa itaas habang nag-iisip. Takot din siya sa kulog. Super. Haha. Okay naman magturo si Sir, medyo mabilis pero uulitin naman niya kapag di naintindihan ng class. Nag jojokes din siya. In the long run, bumait si Sir siguro naawa sa amin. Mahirap ang exams niya, konti lang ang nakapasa nung mga first exams. Pero kapag maraming bagsak nagbibigay siya ng bonus (BONUS talaga). Mag-aral kang mabuti at makakapasa ka sa kanya
Rating: 7.5/10
Eng 1 – Basic College English
Lisa Gene Mata
1st Sem AY: 2010-2011
Graduate si Miss Mata ng Ateneo. Personally, hindi ako ganong natuto sa course. Una kasi, hindi ko gaanong gusto ung time ng class at ayoko din ung approach niya ng pagtuturo. We had a lot of papers at almost every week may essay kaming ginagawa. Hindi rin kasi siya nagbabalik ng papers so you won't know your mistakes at kung ano ang dapat mong baguhin at iimprove sa iyong writings. Hindi siya nagturo about citations kaya naman when I was in English 10 hindi ko pa alam yun. I got poor grades kay Maam. Nagsubmit naman ako ng 2 bonus papers pero wala pa ring nagawa. Mababa talaga.
Rating: 6/10
Chemistry 16 lec
Dr. Irene M. VillaseƱor
2nd Semester AY: 2010-2011
Si Doc V ay Professor 12 which is the highest rank na pwedeng maattain ng isang UP Faculty. Napakahusay niyang magturo at hindi ka talaga aantukin sa class niya. Mahilig bumanat ng mga jokes si Doc V, minsan magugulat ka nalang sa mga banat niya. Considerate siya, if you have problems pwede mo siyang kausapin cause she’s so approachable. She gives problem sets and discussion group every week kaya matetrain talaga kayo. Makinig ka lang ng mabuti at mas maganda if you have book ni Silberberg kasi un ung primary reference na gamit niya in discussion.
Rating: 10/10
Chemistry 16 lab
Mr. Hilbert Magpantay
2nd Semester AY: 2010-2011
Trivia, top 5 siya sa Chemist Board Exam during his time. Ayos naman magturo si Sir Magpantay. At first meetings, lagi kaming may quizzes and drills sa class niya na super nakatulong naman talaga sa amin. Hindi gaanong nagdidiscuss si Sir at madalas hindi na niya dinidiscuss ung itetest naming for DG. Siguro kasi nadiscuss na naman un sa lec at siguro redundant na din for him. Mabait siyang magbigay ng grades basta mag-aral ka lang mabuti. OC pala si Sir sa prelabs in a way na dapat complete ung details mo at kung me kelangan illustration, dapat i-draw mu talaga. Umalis siya nung mid sem kasi he went to Japan for his thesis. Ayos siyang prof.
Rating: 9/10
English 10
Ms. Ma. Ana Michaela Chua
2nd Semester AY: 2010-2011
Summa Cum Laude ng Comparative Literature si Ma’am Chua. Maganda si Maam at super fashionable niya, ang galling niyang manamit. She gives a complete set of her readings for the whole sem kaya pwede ka na mag advance reading. Magaling siyang magturo kaya mamomotivate ka talaga sa class niya. May isa kaming exam sa kanya and it was during mid sem, movement system na exam at kailangan mong gumawa ng bibliographic entry using MLA style. May 4 na papers kami sa kanya. Ayos naman magbigay ng grades si Maam Chua.
Rating: 8.5/10
Geography 1
Ms. Lou Ann Ocampo
2nd Semester AY: 2010-2011
Buntis si Maam nung time naming so medyo matagal kaming walang class sa kanya pero may nag sub din naman. Magaling magturo si Maam Lao at saka funny ang discussions namin. Hindi hassle ung class niya at enjoy sa mga kwento ni Maam. Negotiable din ung mga activities kay Maam, negotiable in a way na tinatanong niya din kami kung ano ung gusto naming. May group reporting kay Maam at 2 exams. Ung final exam naming is group exam so medyo madali. May field trip din kami at kung hindi ka makakasama sa field trip pwede ka namang magsubmit ng alternative paper, okay na sa kanya un. Mabait kaya mag enlist kayo sa class niya.
Rating: 9/10
Linggwistiks 1
Ms. Emilita Cruz
2nd Semester AY: 2010-2011
Magaling magsalita ng Bahasa Indonesia si Maam Cruz dahil tinuturo niya talaga yun. Napakabait ni Maam. Walang gaanong gagawin sa class niya. Super light lang talaga. Maganda siyang isabay sa mga mabibigat na majors kasi madali lang. Marami rin akong natutunan sa class na ito at nag enjoy talaga ako. Medyo madalas kaming walang klase. Hindi din nagche check ng attendance si Maam Cruz. Isang final exam na take home lang ang natatanging requirement sa class niya. Napaabait ding magbigay ng grade ni Maam Cruz. I recommend her. Ienlist nio ang class nia kung gusto nio ng UNO.
Rating: 9/10
Mathematics 53
Mr. Esmeraldo Ronnie Rey Zara
2nd Semester AY: 2010-2011
Si Sir Zara ay member ata ng AME. Very strict sa time. Nagstart talaga siya on time. Minsan nag-oover time si sir kung kailangan. Magaling magturo si Sir at laging nagbibigay ng mga exercises na pwede mong sagutan. Actually, very helpful talaga ang mga exercises na binibigay niya. Basta sagutan mo lang lahat un at paniguradong makakapasa ka sa exams niya. Nagbibigay din naman ng bonus si Sir. Lalo na kung perfect attendance ka. May 2%bonus ka sa final grade. Ayos ang class ni Sir. Mataas naman ang nakuha kong grade kay Sir though marami ang mabababa sa amin. At may less than 5 na nag drop. Pero all in all, matututo talaga kayo sa kanya
Rating: 9/10
Filipino 40
Ms. April J. Perez
Summer 2011
Hindi talaga dapat si Maam April ang prof namin. Nung una akala namin masungit siya. Pero nagkamali kami. Ang saya ng class namin sa Fil40. Super close kaming magkakaklase. 15 lang kami sa class pero super saya. Mostly reporting sa class ni Maam. Lagi kaming nasa DFPP AVR dahil dun madalas nagrereport dahil may aircon. May quizzes din kami after ng isang group reporting.May isang final exam at isang class project. Light lang naman ang class at hindi haggard. Marami ka ring matututunan. Basta naman nakakitaan ka ni Maam na magaling ka at masipag magandang grades ang makukuha mo. Fair magbigay ng grade si Maam. At very transparent.I recommend her. Kunin niyo siya
Rating: 9.5/10
Science Technology & Society
Dr. Fidel Nemenzo
Summer 2011
Napakahirap makakuha ng slot sa STS class. Kaya mapalad ako dahil nakakuha ako. Super informative ng class na ito.Super naenjoy ko talaga hindi lang dahi super lamig at super comfortable ng CS Audi kung hindi napakagaling ng aming mga lecturers. Every meeting iba't ibang mga dalubhasa mula sa iba't ibang disiplina ang nagbibigay ng lektura sa aming klase. From natural science to social science, arts and humanities at engineering. Super daming matututunan sa class na ito. Isang group project at isang final exam lang ang requirement sa class na ito.Siyempre nagche check din sila ng attendance. Super light ng class na ito. Sa final exam, hindi mo kailangan mangabisa. Basta nakinig ka lang ay okay na dahil essay type ang exam. Sana makakuha din kayo ng STS
Rating: 10/10
No comments:
Post a Comment