Tuesday, January 5, 2010

Noli Me Tangere Script (Kabanata 46-58)

Kabanata 46- Sabungan

Pag-uusap ng mga sabungero:

Kapitan Basilio: Naibalita po sa akin ni Sinang kagabi na si Ma. Clara pod aw ay pabuti na ng pabuti.
Kapitan Tiago: Nawalan na po siya ng lagnat subalit mahina pa.
Kapitan Basilio: Natalo po ba kayo kagabi?
Kapitan Tiago: Kaunti po. Alam kong kayo’y nanalo. Ngayon ay titingnan ko kung ako’y makakabawi.
Kapitan Basilio: Ibig po ba ninyong ilaban ang lasak?
Kapitan Tiago: Tingnan po natin kung may pusta.
Kapitan Basilio: Magkano ang ipupusta ninyo?
Kapitan Tiago: Kung kulang sa dalawa ay di ko ilalaban.
Kapitan Basilio: Nakita ninyo ba nag aking lasak? Magkano?
Kapitan Tiago: (Titignan kunwari ang manok)
Kapitan Basilio: Magkano ang ipupusta ninyo?
Kapitan Tiago: Kung magkano ang ibig ninyo.
Kapitan Basilio: Dalawa at kalahati
Kapitan Tiago: Tatlo.
Kapitan Basilio: Tatlo!

MAGSISIGAWAN ANG MGA TAO SA SABUNGAN.. SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA PUTI!

Bruno: Magsisimula na ang sultada. Pahiramin mo kami ng dalawa- tatlo at apt na piso. Ibabalik naming ito sa dobleng halaga mamaya.
Lucas: (Napakamot sa ulo) Ang perang ito ay hindi sa kin. Ito ay ipinagkaloob ni Ibarra sa mga taong handing tumulong sa kanya. Ngunit natitiyak kong hindi kayo katulad ng inyong ama.
Bruno: Tinatanggap naming. Pagkat di naman magkaiba ang mamatay sa baril at bitay.
Tarsilo: Ang isang maralitang tulad naming ay wala ng iba pang kinauukulan.
Bruno: Tama ang sinabi mo Tarsilo ngunit dapat mong isipin ang ating kapatid na babae.
SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA PUTI! (simula na ng sabong at nagsisigawan ang mga sabungero)
Talo sina Bruno…(malungkot, parang nagsisisihan…) Hahanapin nila sila Lucas at makikita nilang kausap nito sa Pedro at binibigyan niya ng pera.
Tarsilo: (kay Bruno) Alam mo ba ang susunod na sultada?
Bruno: Bakit hindi mo ba narinig? Ang bulik ni Kapitan Basilio at lasak ni Kapitan Tiago?
Tarsilo: Nakahanda ka na ba?
Bruno: Ako kanina pa. ngunit paano ang ating kapatid na babae?
Tarsilo: Hindi ba’t ang kwalta ay kay Don Crisostomo Ibarra? Hindi ba’t si Ibarra ang laging kasa-kasama ng Kapitan Heneral? Ano ngayon ang ipinangangamba natin?
Lalapit sila kay Lucas…
Tarsilo at Bruno: (sabay na magsasalita) Magkano ang ibibigay ninyo sa amin?
Lucas: Nasabi ko na sa inyo. Kung hahanap kayo ng makakasama upang salakayin ang kwartel, ay bibigyan ko kayo ng tigtatatlumpumg piso at sampu naman sa bawat kasama ninyo. Kung mahusay ng pagkakasalakay ay tatanggap ang bawat isa ng isangdaang piso at kayo naman ay doble. Si Don Crisostomo ay mayaman.
Bruno: Payag ako! Ibigay na ninyo ang kwalta.
Lucas: Kayo’y katulad ng inyong ama, matapang!
Lucas: (habang ibinibigay ang kwalta sa magkpatid) Bukas ay dadating ang mga may dala ng sandata ni Crisostomo Ibarra. Sa ganap na ika-walo ng gabi ay magtungo kayo sa libingan at doo’y sasabhin ko sa inyo ang huling pasya. Mayroon pa kayong panahon upang humanap ng inyong makakasama.

Kabanata 47- Ang Dalawang Doña

Doña Victorina: Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay ditto? Kailangan ngang maging Indio. Mga walang pinag-aralan at mapagmalaki pa. Biruin mo, nakakasalubong natin ay di man lamang nagpupugay. Paluin mo nga ng sombrero Tiburcio at turuan ng urbanidad.
______________________________________________________________________________
Doña Victorina: (kay Doña Consolacion) Ngayon, ano ang nangyayari sa inyo Doña? Bakit ba ako’y tinitingnan ninyo ng ganyan? Naiinggit ba kayo sa akin?
Doña Consolacion: Ako? Naiinggit sa iyo? Oo nga, naiinggit ako sa inyong kulot na buhok.
Don Tiburcio: Tara na at wag mo ng pansinin
¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬Doña Victorina: (tatabigin ang asawa) Bayaan mong turuan ko ito ng magandang asal.
Doña Victorina: Kilalanin ninyo ang inyong kausap. Huwag ninyong ibilang na ako’y taga lalawigan! Sa aming bahay sa Maynila ay hindi nakakpasok ang mga alperes; sukat na sila’y mag-antay sa pinto.
Doña Consolacion: Aba! Escelentisima Señora Puput! Hindi nakakapasok ang mga alperes, ang nakakapasok ay ang mga pilantod!
Doña Victorina: (mang iinsulto) Hoy Doña Consolacion! Ako’y nakukutayang makipag-usap sa inyo, ang mga taong mararangal. Gusto niyo bang labhan ang damit ko? Kayo’y babayaran ko ng mahal. Para naming hindi ko alam na kayo’y isang labandera!
Doña Consolacion: Akala mo ba’y hindi ko alam kung sino kayo at kung sino ang inyong kasama? Nasabi na yata iyan ng aking asawa!
Doña Victorina: Bumaba ka dito! Bumaba ka ditto!

DARATING ANG ALPERES, AAWATINANG ASAWA, SUSUNOD NA DAATING SI PADRE SALVI

SA BAHAY NI DON TIBURCIO

Doña Victorina: Ngayon din ay luluwas tayo sa Maynila at haharap sa Kapitan Heneral! Pagkat ikaw ay hindi isang lalaki! Sayang ang pantaloon mong isinusuot!
Don Tiburcio: Ngunit ako’y isang pilay.
Doña Victorina: Dapat mo siyang hamunin ng rebolber o sable! (titingnan ng Doña ang pustiso ng asawa at bigla itong hinablot sa bibig ng asawa)

PAPASOK SA EKSENA SI LINARES

Doña Victorina: (Kay Linares) Pinsan, hamunin mo ngayon din ang alperes ng duwelo. Maglaban kayo sa pamamagitan ng rebolber.
Linares: Bakit? (gulat)
Doña Victorina: Basta! Hamunin mo siya sa isang paglalaban ngayon din! At kung hindi ay ipagtatapat ko sa lahat dito kung sino ka!
Linares: Ngunit Doña Victorina?
Doña Victorina: Akalain mo! Tayo’y hinahamak ng alperes at ipinahayg kung sino ka! At itong si Tiburcio, pinabayaang siya’y maalipusta! Parang di lalaki! Ngayon din ay luluwas kami ng Maynila! Ikaw Linares ay maiiwan upang hamunin mo sa pakikipaglaban ang alperes. Kapag hindi mo ito nagawa, ipagtatapat ko kay Don Santiago na kasinungalingan ang lahat ng mga pinagsasabi mo sa kanya.
Linares: Ngunit Doña victorina, maghunos dili kayo. Huwag ninyong ipaalala sa akin yan.

PAPASOK SA EKSENA SI KAPITAN TIAGO

Doña Victorina: Don Santiago, ang alperes ay hahamunin ni Linares sa pakikipaglaban’ narinig ninyo? Kung hindi! Huwag ninyong ipakasal ang inyong anak sa lalaking ito, pagkat siya’y duwag at di marapat na mapangasawa ni Ma. Clara.

Kabanata 49- Tinig ng Pinag-uusig

C. Ibarra: Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?
Elias: Ginoo, ako po’y tagapagdala ng maraming hangarin ng sawimpalad.
C. Ibarra: Ang sawimpalad?
______________________________________________________________________________
C. Ibarra: Kung gayon, ang hinihiling ay ganap na pagbabago.
Elias: Sa paanong paraan? Ang kaunting paggalang sa karangalan ng tao sa kapanatagan ng mamamayan, ang pagbabawas sa paggamit ng lakas at ng mga kawal sandatahan, pagbabawas din sa kapangyarihang bigay sa hukbong ito na madaling pagbubuhatan ng kasagwaan.
C. Ibarra: Elias, hindi ko alam kung sino kayo ngunit alam kong hindi kayo pangkaraniwang tao. Ang inyong isipan ay hindi katulad sa iba. Nauunawaan ninyo ako kapag sinabi kong ang kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay ditto sa atin. Maaring makipag-usap ako sa Kapitan Heneral subalit wala silang magagawa, kahit na ang mataas na punong ito, dahil wala silang gaanong ksapangyarihan upang magpasok ng gayong pagbabago. Maging ako man sa ganang akin ay hindi rin makagagawa ng anumang hakbang na nauukol ditto. Ngayon ko napag-isip-isip, ang korporasyong iyan, bagamat may kasiraan, siya’y kailangan sa ngayon. Sila ang tinatawag na masamang kailangan.
Elias: (gulat na gulat)(nanginginig ang tinig) Naniniwala ba kayo na kailangang gumawa ng masama upang makagawa ng mabuti?
C. Ibarra: Hindi po ako naniniwala sa isang marahas na lunas na ating ginagamit kapag gusto nilang mapagaling ang sakit.
Elias: Sa ngayon, ang ating lupain ay isang lipunang may maluwatang sakit, at upang magamot ang pamahalaan ay nangangailangan ng mga paraang marahas ngunit kapaki-pakinabang.
Itinuturing ko pong masamang manggagamot ang isang manggagamot ang isang walang sinisikap kung hindi sugpuin at lapatan ng lunas ang tanda ng mga sakit, Hindi po kaya dapat ay palakasin ang katawang may-sakit at bawasan ang karahasan ng gamot?
C. Ibarra: Ang pagbabawas sa lakas ng guwardya sibil ay ilalagay sa panganib ang kapanatagan ng bayan.
Elias: Maglalabinlimang taon na ngayon na may gwardya sibil sa baying ito, at nakita naman ninyo na hanggang ngayon ay mayroon pa in tayong mga tulisan. Mayroon din tayong naririnig na niananakawan ang bayan at may mga nanghaharang sa lansangan. Ang nakawan ay nagpapatuloy . Ang kasamaan ay naririyan at malayang nakakalaya ang tunay na salarin..
C. Ibarra: Ako po ay sang-ayon sa mga kabuktutan.
C. Ibarra: Ginugulo ninyo ang isipan ko. Ipalalagay ko na kayo’y may katwiran. Subalit alamin ninyo ang isang bagay at ito’y huwag ninyong daramdamin, sapagkat kayo’y itatanggi ko at ituturing na kataliwasan. Tingnan ninyo kung sino ang humihingi ng mga pagbabago. Halos lahat ay mga salarin.
Elias: Sila’y mga salairin, sapagkat ang kanilang katahimikan ay kanilang binabagabag.
______________________________________________________________________________
C. Ibarra: Ano na nga ang kanilang hinihingi?
Elias: Ang pamamalakad ng mga prayle. Ang sawimpalad ay humihingi ng lalo pang malaking tangkilik laban sa mga prayle. Laban sa ang- aapi sa kanila, ginoo.
C. Ibarra: Nakalimot na kaya ang di- matutumbasang utang na loob ng Pilipinas sa korporasyon ng mga prayle?
Elias: (gulat na gulat, halos di makapaniwala) Ginoo, sinasabi po ba ninyo na walang utang na loob ang mga mamamayan?
______________________________________________________________________________

Elias: Nung tayo’y nasakop ng mga misyonero, ano ang nangyari sa lupaing ito?
C. Ibarra: Ngunit pinaniniwalaan din po ba ninyo na dahil sa mga prayle ay mapapamalagi ang kapanatagan ng bayan?
Elias: Opo, dahil ito ang paniniwala ng lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi ko po akalaing magkakaroon kayo ng ganyang napakaabang palagay ukol sa pamahalaan at bayan. Isang baying sumusunod pagkat dinaraya, at isang pamahalaan na kaya nakapag-uutos ay dahil na rin sa pandaraya.
Patawarin ninyo ako ginoo. Pero may palagay akong ang pamahalaan ang mang mang at imbi sapagkat ikinasisiya ang gayon. Pinasasalamatan ko po ang inyong kagandahang-loob. Saan ko po kayo ihahatid?
C. Ibarra: Huwag po. Kailangang magpatuloy tayo ng pagtatalo upang malaman kung sino ang may katwiran.
Elias: Ipagpatawad po ninyo. Hindi po ako mahusay manalita upang kayo’y mapaniwala ko. Kung ako man ay nakapag-aral ng kaunti, ako naman ay isang Indio. Ang aking pagkatao ay kahina-hinala; ganon din ang aking pangungusap. Ako ngayon ay nag-aalinlangan na sa aking mga sariling pananalig at naniniwalang maaai ngang namamali. Aking sasabihin sa mga sawimpalad na ang pagbibigay- tiwala sa mga tao ay ilipat na sa Diyos. Muli pinasasalamatan ko kayo at sabihin ninyo kung saan ko kayo ihahatid.
C. Ibarra: Elias, ang inyong pangungusap ay umabot sa aking puso at nagbibigay sa akin ng alinlangan. Hindi ako nakapag- aral sa piling n gating bayan. Ako’y sa kolehiyo ng mga Jesuita nag- aral ng elementarya. Ako’y sa Europa lumaki. Sa mga aklat ko hinubog ang aking pag- iisip. Gayunman, tulad ninyo ay iniibig ko ang aking bayan. Utang ko sa kanya ang aking kaligayahan.
Elias: At ako naman, utang ko’y aking kasawian…
C. Ibarra: Opo kaibigan, alam kong kayo’y nagtitiis dahil kayo’y sawimpalad, at dahil dito’y madilim ang inyong nakikita sa hinaharap…
Elias: Pero ang kasawian ko po ay may ibang pinagbuibuhatan. Kung alam kong ito’y magbibigay ng kaunting katuturan ay isasalaysay ko sa inyo.
C. Ibarra: Siguro magbabago ang aking pag- aakala kapag nabatid ko ang nasabing kasawian. Tandaan ninyo, ako’y nag- aalinlangang maniwala sa mga likhang- isip pagkat lalo akong nananalig sa mga nangyayari.

Kabanata 51- Pagbabago

Pagbasa ni Linares sa sulat ni Doña Victorina…
Linares: (puno ng pag-aaalala) (sasabihin nya sa sarili) Paano kung murahin ako ng alperes at kagalitan? Kung matagpuan ko ang kanyang asawa, sino ang papatol na maging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan Tiago? Sumpain ang mga ipinakinig ko sa kanyang mga payo. Hindi ba siya ang nag-utos sa aking maghambog, magsabi ng kabulaanan, maglangis upang makapagsamantala! Ngayon ano ang sasabihin sa akin ni Clarita? Ngayon ko lubusang nararamdaman kung gaano kabigat ang pagsasabi ko na ako’y kalihim ng lahat ng kagawad-bansa!

SIYANG PAGDATING NI PADRE SALVI
Padre Salvi: Ginoong Linares, nag-iisa yata kayo. Nasaan si Don Santiago?

PAPASOK SI KAPITAN TIAGO AT HAHALIK SA KAMAY NG KURA
Padre Salvi: Mayroon akong mabuting balita sa inyong lahat. Ako ay tumanggap ng sulat sa Maynila, na nagpapatotoo sa bagay na ibinalita sa akon ni Ibarra kahapon. Kung gayon Don Santiago, ang sagabal ay nawala na.

PATLANG SANDSALI
Padre Salvi: Ngayon ay aking napagtanto na si Ibarra ay isang binatang nakalulugod. Noon una, ang totoo ay hindi maganda ang naging palagay ko sa kanya. Siya’y may kapusukan, ngunit siya ay marunong namang mag-ayos ng kanyang pagkukulang. Siya’y hindi maaaring kapootankung hindi lamang kay Padre Damaso. (titingin kay Ma. Clara na noon ay nakikinig sa usapan pero hindi halata)
Linares: At si Padre Damaso po?
Padre Salvi: (nakatingin pa rin kay Ma. Clara ) Opo, si Padre Damaso ay nagsabi na hindi niya papayagang… dahil sa ninong siya sa binyag ni Ma. Clara. Datapuwat iniiisip kong maayos ang lahat kung si Ginoong Ibarra ay hihingi ng patawad sa kanya.

AALIS NA SI MARIA CLARA SA EKSENA

Kapitan Tiago: Paano kung di siya patawarin ni Padre Damaso?
Padre Salvi: Kung magkakagayon ay bahala na si Maria Clara. Tutal, si Padre Damaso ay
Kanyang kopesor, palagay ko’y magkakaunawaan sila.

SIYANG PAGDATING NI C. IBARRA
C. Ibarra: (babati kay Kapitan Tiago, at bahagyang yuyukod kay Linares)
Padre Salvi: (tatayo at lalapit at magiliw na kakamayan si C. Ibarra) Huwag ninyong pagtakhan, ngayon lamang ay pinupuri ko kayo.
C. Ibarra: Salamat po.
C. Ibarra: (lalapit kay Sinang)
Sinang: Saan ka ba nagtigil maghapon? Napag-usapan ka naming at lahat ay may kanya-kanyang palagay kung saan nagtutungo ang mga kaluluwang kahahango sa purgatoryo?
C. Ibarra: Sabihin mo nga sa akin kaibigan, nagagalit ba si Maria sa akin?
Sinang: Ewan ko. Pero ang sabi niya, limutin mo na siya. Iyak nga ng iyak pagkat ang nais ni Kapitan Tiago ay pakasal na sya sa binatang iyon, maging si Padre Damaso ay ganoon din ang payo. Ngunit sila ay hindi sinasagot ng oo ohindi. Kaninag umaga, ay nagtanong kami ukol sa iyo, at kami’y sinagot nab aka nangingibig na sa iabang dalaga. At pagkatapos ay sumagot sa akin “mano naman” at saka umiyak.
C. Ibarra: Pakisabi kay Ma. Clara na ibig ko siyang makausap ng sarilinan.
Sinang: Nang sarilinan!
C. Ibarra: Ganap na suliranin. Kaming dalawa lamang, hindi kaharap ang binatang iyan (titingin kay Linares)
Sinang: Mahirap siguro yan, ngunit wag kang mag-alala at aking sasabihin.
C. Ibarra: Kailan ko malalaman ang kanyang sagot?
Sinang: Bukas! Magsadya ka ng maaga sa bahay. Kahit kalian ay ayaw mag-isa ni Ma. Clara kaya’t siya’y aming sinasamahan.

AALIS SI IBARA

Kabanata 52 – Ang Mga Tao Sa Libingan

Ang pag-uusap ng 3 anino
Unang Anino: Nakausap mo ba si Elias?
Ikalawang Anino: Hindi, pero natitiyak kong kasama natin siya. Nailigtas na minsan ni Don Crisostomo ang kanyang buhay.
Ikatlong Anino: Dahil nga riyan kaya ako pumayag. Ipinadala ni Don Crisostomo sa Maynila ang aking asawa upang maipagamot sa mga dalubhasang doktor. Ako ang sasalakay sa kumbento upang makapaghiganti sa mga walang hiyang kura!
Ikalawang Anino: Kami naman ang lulusob sa kwartel, upang patunayan sa mga sibil na an gaming ama’y may mga anak na lalaki!
ANG PAGDATING NG ISANG ANINO
Ika-apat na Anino: Psst! Psst! (lalapit sa 3 anino) Maghiwa-hiwalay tayo, may sumusunod sa akin. Ang inyong mga sandata ay bukas ninyo tatanggapin. Sa gabi ng inyong pagsalakay, ang isisigaw ninyo ay VIVA DON CRISOSTOMO!
AALIS NA ANG 3 ANINO AT MAGTATAGO KUNWARI ANG IKA-APAT NA ANINO
Ika-apat na Anino: (habang nakatago, sasabihin niya sa sarili) Aabangan ko kung sino ang sumusunod sa akin.
Darating ang sumusunod na anino (Ang ika-apat na anino ay nakatago pa rin)
Ikalimang Anino: Ako yata’t nahuli ng dating. Pero siguro’y magbabalik din sila (sisilong siya kunwari at di sinasadyang mapupunta at mapapatabi siya sa inagtatagian ng ika-apat na anino)
BIGLA SILANG MAGUGULAT PERO HINDI NAGKAKAKITAAN NG MUKHA DAHIL MADILIM
Ikalimang Anino: Sino kayo?
Ika-apat na Anino: At sino rin kayo? (walang imikan, tahimik)
Ika-apat na Anino: Inaantay kong tumugtog ang ika-walo ng gabi upang makipaglaro ng baraha sa mga patay. Ibig kong manalo ngayong gabi. Kayo, ano ang sadya ninyo rito?
Ikalimang Anino: Kagaya rin po ninyo.
Ika-apat na Anino: Ako’y maraming dalang baraha.
ANG DALAWA’Y NAGKASUNDONG MAGLARO NG BARAHA SA IBABAW NG NITSO.

Kabanata 53- Ang PAgsulong ng Isang Magandang Umaga

ANG PAGDALAWA NI DON FILIPO
Pilosopo Tasyo: Ang totoo ay hindi ko alam kung dapat ko kayong batiin sa pagkakatanggap sa inyong pagbibitiw sa katungkulan. Kayo ay nakikipagtunggali sa mga guwardiya sibil na di naman nararapat.
Don Filipo: Opo, ngunit ang Kapitan Heneral ang nagkanulo. Ayon sa alam ninyo, kinabukasan ng aumaga ay pinawalan ng Kapitan ang mga sibil na aking nahuli. Kung walang kapahintulutan sa aking puno ay wala akong magagawa.
Pilosopo Tasyo: Kayo, na nag-iisa ay wala nga, ngunit kung kakaktigan ng lahat, ay marami kayong mgagawa. Sana’y sinamantala ninyo ang pagkakataon upang mabigyang halibawa ang ibang bayan.
Don Filipo: Ano po ang magagawa ko laban sa kinatawan ng mga matatakutin? Malaki ang magagawa ni Ibarra sapagkat siya’y naniniwala sa karamihan. Inaakala ba ninyong siya’y naniniwala sa “excommunion”.
Pilosopo Tasyo: May pagkakaiba kayo sa kalagayan. Si Ibarra ay ibig magtanim at upang magtanim ay kailangang makibagay at sumunod sa kalikasan. Kayo naman, ang inyong tungkulin ay magpakilos, at upang makapagpakilos ay kailangan ng lakas at pagtulak. Kaya ang pakikipagtunggali ay hindi dsaat gawin laban sa Kapitan, kundi laban sa mga nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan, laban sa manliligalig sa katahimikan, laban sa nagkukulang sa kanyang tungkulin.
Don Filipo: Iyan po ba ang inyong paniniwala?
Pilosopo Tasyo: Ang bagong binhi ay maliit. Subalit kung ang lahat ay magtutulong- tulong sa pagtataguyod sa pagpapaunlad na binili ng napakamahal sa mga prayle, maaring mainis yaon.
AT MARAMI PA SILANG NAPAG-USAPAN
_____________________________________________________________________________

Pilosopo Tasyo: Tayo yata ay nalalayo. Hindi ba ang dapat nating pag-usapan ay may kaugnayan sa pag-unlad ng Pilipinas? Tayo ngayon ay pumapasok sa panahon ng pakikipaglaban. Lalo’t higit sa lahat ay kayong mga kalaban, dahil kaming mga matatanda, kumbaga sa araw ay malapit. Pero, ako’y nalulungkot.
“Ang ating mga kabataan ngayon ay walang inisip kundi ang manligaw at magsaya. Lalong maraming panahon ang ginugugol nila sa paglugso sa puri ng isang babae kaysa sa pag-, at sa paggawa ng mga bagay na kahiya-hiya. Ang mga babae naman ay malaki pa ang inilalagi sa simbahan at kanilang nakakalimutan na sila ay may tahanan at pamumuhay na dapat sinupin. Kaya tuloy, ang masasamang halimbawa nila ay nakikita ng mga musmos pa at maasahan lamang na gagayahin kapag nagkaisip. Ikatutuwa kong mamatay ngayon!
Don Filipo: Ibig ba ninyo ng gamot?
Pilosopo Tasyo: (iiling) Sapagkat ang mamatay daw ay di na po nangangilangan ng gamut. Kayong mga maiiwan ay OO. Pakisabi na lamang po ninyo kay Ibarra na dalawin ako bukas at may mahalagang bagay akong sasabihin sa kanya. Sa loob ng ilang araw ay mamamatay na ako. Subalit hanggang sa kasalukuyan, ang bayan ay tumatahak pa rin sa kadiliman.

Kabanata 54- Anumang Lihim Ay Nabubunyag


Mabilis na umakyat si Padre Salvi sa bahay ng Alperes at makailang beses na tumawag. Lumabas naman ang Alperes na kunot-noo kasunod- sunod ang asawang si Doña Consolacion.
Alperes: Padre Kura! Ako’y talagang papunta sa inyo dahil sa inyong kambing. Hindi ko na maitutulot sirain sa tuwi-tuwina ang aking bakod kaya pag nagbalik ay babarilin ko.
Padre Salvi: (Humihingal) Iyan ay kung mabubuhay pa kayo hanggang bukas.
Alperes: Ano? Inaakala po ba ninyo na mapapatay ako ng pipituhing buwang taong iyan? Akin siyang uutasin sa isang sipa lamang.
Umurong si Padre Salvi at tinitigan ang Alperes
Padre Salvi: (Nanginginig) Sino ang binaggit ninyo?
Alperes: Sino pa kung hindi iyong naghahamon sa akin ng barilan?
Padre Salvi: Ang sadya ko sa inyo ngayon ay ukol sa isang madaliang pangangailangan.
Alperes: Huwag na ninyo akong alalahanin sa mga bagay na iyan! Baka mamaya ay kagaya na naman iyan ng dalawang magkapatid na bata.
Padre Salvi: Kapag ako’y ganitong nagkukulang sa aking tungkulin ay may mabigat akong dahilan.
Alperes: Bakit kayo nagmamadaling naparito?
Padre Salvi: Wala ba kayong nalalamang balita?
Alperes: Kung gayo’y sabihin na ninyo.
Padre Salvi: Natuklasan ko ang isang malaking pag-aalsang magaganap. Isa pong kakila-kilabot na paghihimagsik ang sisiklab ngayong gabi.
Alperes: Sino? Sino ang huhulihin ko? Babarilin ko ang lahat.
Padre Salvi: Huminahon kayo!
______________________________________________________________________________
Alperes: Paalam po Padre, at marahil ay magiging Obispo naman kayo.
Padre Salvi: Mag-iingat kayo. Sa ikawalo ng gabi ay uulan ng bituin at krus.
Samantala si Elias…
Elias: (Humahangos, tumatakbo papunta kay Ibara)
C. Ibarra: (Habang gumagawa ng isang pagsubok sa kanyang laboratoryo) Kayo pala Elias. Naisip ko kayo. Nalimutan ko kahapong itanong sa inyo ang pangalan ng Kastilang tinithan ng inyong nunong lalaki.
Elias: Ginoo, ang sadya kop o ay hindi ukol sa akin kundi…
C. Ibarra: (Hindi pansin ang pagkabalisa ni Elias) Tingnan ninyo. Ako’y nakagawa ng isang pagkakatuklas; ang kawayang ito ay hindi nasusunog.
Elias: Ginoo, hindi pagsubok sa kawayan ang dapat nating pag-usapan. Ang kailangan po ang pagtitipo at pagliligpit, tumakas kayo agad! Sunugin ninyo ang lahat ng maaaring makapaganyaya sa inyo at sa loob ng isang oras kailangang makaraitng kayo sa isang lugar na ligtas sa panganib.
C. Ibarra: Bakit po?
Elias: Sinupon ninyo ang lahat ng kasulatang isinulat ninyo o ipinadala sa inyo.
C. Ibarra: Bakit po?
Elias: Sapagkat katatapos ko lamang pong matuklasan ang isang gagawing pag-aalsa. Kayo ang pinagbibintangang namumuno sa pag-aalsang ito upang kayo’y mapalungi.
C. Ibarra: Isang pag-aalsa? Sino po ang nagbabalak?
Elias: Hindi ko na po nakuhang siyasatin ang pangalan ng may balak mag-alsa. Hindi pa po nagtatagal na ako’y nakipag-usap sa isa sa mga sawimpalad na sadyang binayaran upang isagawa ang pag-aalsa at wala akong nagawa upang sila’y pigilan.
C. Ibarra: Hindi ba nabanggit sa inyo kung sino ang nagbayad sa kanila?
Elias: Opo, matapos akong pilitin na ilihim ko ang bagay na ito ay ipinagtapat na kayo raw ang nagbayad.
C. Ibarra: Diyos ko!
Elias: Ginoo, wag na kayong mag-alinlangan pa. Huwag na nating aksayahin ang panahon, pagkat ang pag-aalsa ay maaaring magsiklab sa araw na ito.
Si Ibarra ay dilat ang mata at nakadaop ang palad sa ulo.
Elias: Ang gulo ay di na po maaaring mapigil. Ako’y nabalam ng pagparito, di ko kilala ang mga namumuno. Lumigtas kayo Ginoo, at ingatan ang inyong sarili alang-alang sa Inang Bayan.
C. Ibarra: Saan po dapat tumakas?
Elias: Sa alin mang bayan sa Maynila.
C. Ibarra: At kung ako na rin ang magsuplong sa pag-aalsa?
Elias: Kayo ang magsuplong sa pag-aalsa? Ipalalagay kayong taksil ng mga nagsilusob at duwag naman sa paningin ng iba.
C. Ibarra: Ngunit ano ang aking gagawin? (Litong-lito)
Elias: Sinabi ko sa inyo. Sirain ang lahat ng kasulatang may kinalaman sa inyong pagkatao. Tumakas kayo at maghintay sa mga pangyayari.
C. Ibarra: At si Maria Clara? Hindi kailangang mamatay na muna.
Elias: Gayon man, ilaganman lang ninyo ang dagok, Humanda kayo sa gagawin sakaling kayo’y maparatangan nila.
C. Ibarra: Kung gayon ay tulungan ninyo ako kaibigan. Diyan sa mga karpetang iyan natatago ang mga sulat ng aking pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama. Basahin ninyo ang mga lagda.
Naghalungkat sina Elias at maya maya’y nandilat ang mga mata…
Elias: (nanginginig ang tinig, hawak hawak ang isang papel) Nakilala ba ng pamilya ninyo si Don Pedro Eibarramendia?
C. Ibarra: (Kinuha ang papel) Siya po ang aking nuno sa tuhod.
Elias: (Namutla at nabago ang anyo) Inyong nuno sa tuhod si Don Pedro Eibarramendia?
C. Ibarra: (Parng walang anuman) Opo, Pinaikli namin agn apelyido pagkat siya’y mahaba. Pero ano ang nangyayari sa inyo?
Elias: (Pasuntok na idiniin sa kanyang noo ang kamay at tinitigan si Ibarra)
C. Ibarra: (Mapapaurong sa nakitang anyo ni Elias)
Elias: (Nagngingitngit) Kilala ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia? Si Don Pedro Eibarramendia ang umapasala sa aking nunong lalaki, an siyang dahilan ng lahat n gaming kasawiang palad. Aking pinaghahanap ang kanyang apelyido at kayo ang itinuro sa akin ng Diyos. Ipagsulit ninyo ngayon sa akin ang lahat naming kasawiampalad.
(Sinunggaban at niyugyog si Ibarra na puno ng poot at ngitngit) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo kung ako nga’y nagtitiis, samantalang kayo’y nabubuhay, umiibig, may kayamanan, tahanan, pinagpipitagan, nabubuhay, nabubuhay!
(Nawalan ng bait si Elias, kumuha ng sandata, ngunit kanya rin itong binitiawan, tiningnan si Ibarra at patakbong nilisan ang bahay)

Kabanata 55 – Ang Pagkapahamak

Tumuloy si C. Ibarra sa kanyang gabinete at nagmamadaling naghanda ng isang maleta. Kanyang binuksan ang kahang at kinuha ang lahat ng salapi na naroroon at isinilid sa supot. Ang mga hiyas ay kanyang inipon at ibinaba ang larawan ni Ma. Clara. Kanyang isinakbat ang isang balaraw at dalawang rebolber at pumunta sa lagayan ng mga kasangkapan.
Maya maya ay nakarinig ng 3 malalakas na putok. Dumating ang mga guwardiya sibil.

Guwardiya Sibil 1: Buksan ninyo ang pinto sa ngalan ng hari! (pasigaw)
Guwardiya Sibil 2: Buksan ninyo ito at kung hindi ay gigibain naming ang pinto!
Natigilan si Ibarra, lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binuksan niya ang pinto at pumasok ang mga guwardiya sibil at hinuhuli si C. Ibarra
Sarhento: Hinuhuli naming kayo sa ngalanng hari!
C. Ibarra: Bakit?
Sarhento: Sa kwartel na kayo magtanong!
C. Ibarra: Ako ay napailalim sa inyo at inakala ko na ito ay malulutas sa sandaling oras lamang.
Sarhento: Kung gayo’y nangangako kang hindi ka tatakas. Hindi namin kayo gagapusin. Ito’y kaluwagang ipinagkakaloob ng alperes. Ngunit kung kayo’y tatakas…
At si Ibarra ay dinakip ng mga guwardiya sibil

Kabanata 56 – Ang mga Haka-haka

Kinabukasan pagkatapos ng gulo, ang mga lansangan ay tahimik, sisip sa bintana ni Hermana Rufa… Ngingitian siya ni Hermana Pute.

Hermana Pute: Sus! Ang akala mo’y isang misa de grasya, isang kastilyo.
Hermana Rufa: Maraming putok, sabi nila mga pangkat daw ni Matandang Pablo.
Hermana Pute: Mga tulisan ba?
Hermana Rufa: Hindi marahil.
Hermana Pute: Ang balita ay ang kwadrilyero na kalaban ng mga sibil at iyon ang dahilan kung bakit hinuli si Don Filipo. Sinasabing may labing apat na patay.
At nagsimula na ring maglabasan ang iba pang mga tao sa lansangan. At nagsimula ng maglabasan ang samut saring balita.
Tao: Tinangka daw kasi ni Ibarra na itakas si Ma. Clara kaya ipinagtanggol ni Kapitan Tiago ang dalaga sa tulong ng mga guwariya sibil.
Tao 2: Nasugatan si Kapitan Tiago at dadalhin daw sa Maynila.
Dumating ang isang lalaki sa umpukan ng mga nag-uusap…
Lalaki: Kagagaling ko pa lamang sa tribunal at doon ay nakita ko si Don Filipo at si Don Crisostomo Ibarra. Ang mga nangyari kagabi ay ipinagtapat ni Bruno. Tulad ng alam ninyo, ipakakasal ni Kapitan Tiago ang anak sa binatang kastila. Ito ay dinamdam ni Don Crisostomo Ibarra at tinangka daw maghiganti at patayin ang lahat ng kastila pati na ang kura. Kagabi daw ay nilusob ang kwartel at kumbento. Mabuti na lamang at sa awa ng Diyos, ang kura ay nasa bahay noon ni Kapitan Tiago. Marami daw ang nakatakas. Sinunog daw ng mga sibil ang bahay ni Ibarra at kung hindi ito nahuli noon, siya din ay susunugin.
Samantala isang utusang babae ang nagsabi na nakita niya sa looban ng isang kapitbahay ang bangkay ni Lucas na nakabitin sa sanga ng isang punong santol.

Kabanata 57 – Kaawa-awang mga Natalo

Alperes: (kay Padre Salvi) Ito po ang matapang na nagtanggol at ngapatakas sa kanyang mga kasama. (Ituturo si Tarsilo)
May inilabas ding isang lalaki na umiiyak.
Isang lalaking kaawa-awa: (umiiyak ng parang bata) Kaawaan po ninyo ako ginoo, maawa po kayo sa akin. (sisigaw) Hindi na po ako muling papasok sa patio!
Alperes: Isang luko-luko ito (sabi sa kura). Ginusto niyang tumakas kaya siya nasugatan sa pigi. Ang dalawang ito ang tanging buhay sa nadakip.
Alperes: (kay Tarsilo) Ano ang pangalan mo?
Tarsilo: Tarsilo Alasigan
Alperes: Ano ang ipinangako sa iyo ni Crisostomo Ibarra para lusubin ang kwartel?
Tarsilo: Si Crisostomo Ibarra ay di kailanman nakipag-alam sa amin.
Alperes: Huwag kayong magkaila. Dahil diya’y tinangka ninyong mabigla kami.
Tarsilo: Namamali kayo. Pinatay ninyo sa palo ang aming ama kaya naghihiganti kami. Yun lang. Ngayon ay patayin na ninyo ako at wala kayong malalaman sa akin.
Alperes: Dalhin ninyo ang taong iyan sa kinalalagyan ng mga bangkay. (Utos ng alperes sa mga sibil)
Alperes: Nakikilala mo ba ito?
Hindi umimik si Tarsilo kaya hinampas siya ng hinampas sa likod.
Alperes: (galit na galit) Paluin ninyo hanggang sa pumutok ang katawan.
Padre Salvi: (kay Tarsilo) Nakikilala mo ba ito?
Tarsilo: (nakatingin sa bangkay) Ngayon ko lamang po nakita.
Alperes: (Binuntal at pinagsisipa si Tarsilo) Igapos siya sa Bangko!
At patuloy na pinahirapan ng husto si Tarsilo, lalo na sa pamamagitan ng paglubog sa isang balon. Hanggang sa siya’y namatay.

Pagkamatay ni Tarsilo, nabaling sa isang bilanggo ang pagtatanong

Isang lalaking kaawa-awa: Ginoo, ginoo. Sasabihin ko na po, magtatapat na po ako.
Alperes: Mabuti kung gayon! Hala tingnan natin. Ano ang ngalan mo?
Isang lalaking kaawa-awa: Anding po ginoo.
Alperes: Ang apelyido mo? Anong salita ang idadagdag mo sa iyong pangalang Andong?
Andong: Andong luko-luko po.
Tawanan ang lahat
Alperes: Ano ang hanapbuhay mo?
Andong: Taga kapon po ng niyog ginoo, at alila ng aking biyenan.
Alperes: Sino ang nag-utos sa iyong sumama sa paglusob sa kwartel?
Andong: Wala po
Alperes: Ang itinatanong ko sa iyo ay kung sino ang nag-utos sa iyong mag-alsa?
Andong: Anong pag-aalsa?
Alperes: Bakit ka naroon kagabi sa patio ng kwartel?
Andong: Ang akin pong biyenan ay pinakain ako ng bulok at tira-tirahang pagkain. Humilab po aking tiyan. Pumunta po ako sa patio na kalapit ng kwartel. Ako’y “nagkuwan” at ng matapos akong “magkuwan” ay nakarinig ako ng maraming putok ng baril.
Isang palo ng yantok ang hinampas kay Andong
Alperes: Ipasok sa bilangguan! Ngayon ding hapon ay dalhin sa dulong-bayan!

Kabanata 58 – Ang mga Isinumpa

Sa labas ng bilangguan ay maraming tao.
Aling Doray: (iyak ng iyak)
Isang kakilala: Umuwi na kayo, ang inyong anak ay maaring lagnatin.
Aling Doray: Ano pa ang kabuluhang mabuhay siya kung mawawalan ng isang amang makapag-papaaral sa kanya.
Aling Tinay: (umiiyak din) Antonio! Antonio!
Isang Babae: Sa lahat ng ito, ang totoong may sala ay si Don Crisostomo Ibarra.
Nasa paligid din sina Kapitana Tinay, ang guro, Nol Juan (Nagluluksa pagkat ipinalalagay niya na namatay na si Ibarra)
Inilabas na ang mga bilanggo na nakahanay
Don Filipo – Nakagapos, nakangiting bumati sa asawa (Napahagulgol si Doray, yayakapin sana ang asawa ngunit pinigil ng sibil)
Antonio – Parang batang umiiyak
Andong – Umiiyak din ng malakas ng Makita ang biyenang babae
Albino – Nakagapos din
Magkapatid na kambal – Nakagapos din
C. Ibarra – Hindi nakagapos, napapagitnaan ng 2 sibil, siya’y namumutla at naghahanap ng kaibigan.
Mga Tao: (sumigaw nang Makita si Ibarra) Iyan ang may sala! Iyan ang may sala! Bakit hindi siya nakagapos?
Biyenan ni Andong: Bakit ang manugang ko na walang nagawang kasalanan ang siyang nakaposas?
C. Ibarra: (may diin) Gapusin ninyo ako at gapusing mabuti, abut-siko.
Sibil: Wala pang utos sa amin.
Iginapos siya.. lumabas ang alperes at sampung guwardiya sibil.
Aling Doray: (umiiyak) Ano ang nagawa sa inyo ng aking asawa at aking anak? Tingnan ninyo ang kawawa kong anak. Inalisan niyo siya ng ama.
Galit ang mga tao..
Biyenan ni Andong: (pasigaw) Ikaw ang isang duwag!
Isang lalaki: (pasigaw) Habang ang iba’y nakikipaglaban dahil sa’yo, ikaw naman ay nagtatago. Sumpain ka anwa!
Kamag-anak ni Albino: Sumpain ka! Sumpain ka! MAbitay ka sana!
Pagbasa ng narrator sa pahina 436

20 comments:

  1. tHank you for the post.. It really help out for my assignment in our play..

    ReplyDelete
    Replies
    1. it's my pleasure to help. God bless you.

      Delete
    2. where can i find the 59th chapter? btw thank you it help a lot.

      Delete
  2. Thank you for doing this, It helped me for our major play

    ReplyDelete
  3. where can i find chapter 59 and above???

    ReplyDelete
  4. please kindly send po soft copy ng kabanata 44-45 script.. maraming salamat po.. jwposedio@gmail.com

    ReplyDelete
  5. Pwede po bang maka hingi ng soft copy sa kabanata 59-64 para po kasi sa play sa school namin kung pwede lang po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede po whole script mula 1-64 po? Thank youuu poo badly needed po talaga

      Delete
    2. Hi, so um hindi aok yung creator pero I have a soft copy sa script ng Noli since script writer ako sa school namin kaso 42-65 lng siya

      Delete
    3. Pahingi po ng soft copy 59 to 64 script

      Delete
  6. Sa gmail nalng po hehe ito po--- samanthabuayaban@gmail.com

    ReplyDelete
  7. Meron po bang script 59 to 64 pahingi po sa soft copy

    ReplyDelete
  8. Ahhh pwede po bang makahingi ng copy ng script ng kabanata 39 to 51??

    ReplyDelete
  9. Pwede pong pahingi ng copy ng script ng kabanata 39 to 51 kailangan ko lang po sa school... thank you po

    ReplyDelete
  10. Help po kabanata 48-49 script need konapo bukas,plss help po

    ReplyDelete